Results for 'Kapangyarihan'

7 found
Order:
  1. ‘OBOSEN KO KAYO’: Wika ng Kapangyarihan ni Pangulong Duterte.Joseph Reylan Viray - manuscript
    This is a preliminary essay on the rhetoric of ‘obosen’ of President Rodrigo Duterte. The essay discusses how the President employed the term ‘obosen’ to show his leadership quality characterized by strenght, firmness, patriotism and courage. He used ‘obosen’ as a way to persuade his target audience. The essay explicates how he was able to excellently manipulate and control the Philippine social consciousness. To soften the effects of Duterte’s ‘obosen’, his political rivals offered couinter-rhetorics which the essay also presented. To (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Breast Kanser, Seksuwalidad, at Pagbalikwas.Mark Anthony Dacela & Rachel Joy Martinez Rodriquez - 2015 - Malay 27 (2):118-132.
    Iniaalok ng pag-aaral na ito ang isang panunuring Foucauldian sa pangkasariang karanasan ng babaeng may breast cancer (BRCA). Inihahain din ng mga may-akda ang mga sumusunod na tanong: Paano naaapi ang babaeng may BRCA? Paano hinahamon ng kanyang karanasan ang konsepto ng seksuwalidad? Maaari bang ituring ang kanyang karanasan bilang anyo ng pagbalikwas? Tutugunan ng mga may-akda ang naturang mga tanong gamit ang kapangyarihan-diskurso-seksuwalidad ni Foucault habang ipinapalagay na: (1) matagumpay na naipapakita ng talaangkanan ng seksuwalidad ni Foucault kung (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
    Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, karanasan at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  7. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark