17 found
Order:
  1. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Mga Salik sa Pagkabigo ng Protestantismo na Lumaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kolonyalismong Amerikano.Mark Joseph Santos - 2023 - Yaman Digital History.
    Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian and (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang signature (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  4. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan: Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (1):58-79.
    Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan.Mark Joseph Santos - 2018 - Saliksik E-Journal 7 (3):121-138.
    Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino.Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos - 2022 - Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2):30-49.
    Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw.Mark Joseph Santos - 2022 - Dalumat E-Journal 8 (1):68-91.
    Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Pantayong Pananaw: Kakaliwa, Kakanan o Didiretso?Mark Joseph Santos - 2021 - In Wensley Reyes & Alvin Campomanes (eds.), Pantayong Pananaw at Paninindigang Pulitikal. Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 88-96.
    Pantayong Pananaw: Kakaliwa, Kakanan o Didiretso?
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Sarili, Kaugnay, Iba: Isang Eksposisyon sa Kapantasan ni Atoy Navarro sa Araling Kabanwahan.Mark Joseph Santos - 2022 - In Hugpungan: Katutubong Kaalaman at Interdisiplinaridad sa Panahon ng Krisis. Sta. Mesa, Manila: PUP Center for Philippine Studies. pp. 119-173.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Southeast Asian Studies and the Nationalist Tradition: Evaluating the Historiographical Contribution of Zeus A. Salazar in Building Pan-Malayan Identity.Mark Joseph Santos - 2019 - Regional Journal of Southeast Asian Studies 4 (1):77-78.
    One of the early propositions on the nature of Southeast Asia comes from George Coedes’ 1968 The Indianized states of Southeast Asia, which assumes that Southeast Asia and its identity construction resulted from the region’s passive acceptance of culture from India and China. Such is the case that that the cultural landscape of the region becomes a mere accumulation of external influences. Robert Redfield’s notion of “great and little traditions” that Southeast Asian historians used in examining and understanding Southeast Asian (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Ang Retorika ng Rehimeng Duterte at ang Kulturang Pilipino: Isang Kasong Pag-aaral sa Pagbabanggaan ng Burukrasya at Kultura.Mark Joseph Santos - 2017 - Historical Bulletin 51:50-92.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino.Mark Joseph Pascua Santos - 2022 - In Suring Supling: Kalipunan ng Rebyu ng mga Akdang Pambata sa Pilipinas. pp. 75-88.
    Mula pa lamang sa pagkabata ng babae’t lalaki, naitakda na ng lipunan ang kanilang mga gampanin, ang mga dapat nilang gawin, at ang mga dapat nilang iwasan. Kadalasang binibigyan ang mga batang lalaki ng bola, bisikleta, laruang sasakyan, baril-barilan, taotauhang sundalo, at iba pang mga bagay na humuhulma sa kanila upang maging maliksi at aktibo. Samantala, ang pangkaraniwan namang binibili para sa mga batang babae ay mga manyika, doll house, at mga laruang pangbahay-bahayan tulad ng laruang crib, washing machine, duyan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino ni Emmanuel De Leon. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Dalumat 7:79-83.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark