Results for 'Historiograpiya'

5 found
Order:
  1. Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  2. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa ganitong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  5. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark