Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):123-164 (2019)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa panaka-nakang pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan. Isinaad na pangunahing sanhi ng malaking kabawasan sa bilang ng tao ay ang pagdapo at paglaganap ng sakit, tulad ng kolera sa kapuluan sa mga taong nabanggit. Kaalinsabay ng pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan, nasaksihan din sa kasagsagan ng dantaon ang malawakang pag-unlad ng agham na ginamit ng mga Espanyol bilang kanilang kalamangan sa hakbang ng kolonisasyon. Gayunman, hindi maitatatwa na nagdulot din ng positibong aspekto ang kolonyal na agham sa kapuluan. Umusbong sa kapuluan ang iba’t ibang uri ng ciencia colonial na nag-ambag sa pag-unlad ng kapuluan. Isang uri ng kolonyal na agham namayagpag ay ang edukasyong medikal. Sa akda, susubukang bigyang katwiran ang edukasyong medikal at iba pang kaugnay na larangan bilang tugon ng pamahalaan sa mga suliraning nakaugnay sa sakit sa kapuluan. Sa pamamagitan ng datos ng populasyon at demograpiya, ilalahad ng akda ang naging epekto ng pagkalat ng sakit sa bilang ng tao. Nakatuon ang akda sa institusyunal na kasaysayan ng Facultad de Medicina y Farmacia ng Unibersidad ng Santo Tomas na lunan ng mga medicos na magsisilbing instrumento ng pamahalaang kolonyal sa hakbang upang sugpuin sa suliraning pangsakit sa Pilipinas. Sa huli, ilalahad ng akda ang naging resulta ng edukasyong medikal bilang tugon sa pagsugpo sa suliranin

Author's Profile

Analytics

Added to PP
2021-10-21

Downloads
274 (#74,079)

6 months
103 (#53,333)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?