Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia

Katipunan Journal 8 (1):125-143 (2021)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing pagsulat, maliliit na limbagan, mga limbagang pampamantasan, mga parangal na pampanitikan, mga gawad at fellowship, at mga inisyatibang nakabatay sa mga komunidad. Bilang isang mananaliksik, napagtanto kong ang pagkakalimbag ng tatlong aklat na nabanggit ay maliit lamang na bahagi ng patuloy na lumalaking korpus ng mga akdang isinusulat na may paksa at temang Asyano, at hindi Anglo-Celtic o di-Europeo na mga pangunahing komunidad sa Australia. Kung paanong mas marami pang mga migranteng manunulat ang nagbibigay ng paghatol sa paksa ng pagtanggap o pagtanggi sa kanilang pagiging Australiano, inaasahan ko na mas marami pang mga iskolar ang higit na tutuklas sa pag-unlad ng mga malikhaing produksiyon na tatalakay sa mga tema at karanasang nakapaligid sa mga Pilipino at iba pang mga taga-Timog-Silangang Asya sa Australia.

Analytics

Added to PP
2021-12-18

Downloads
1,932 (#6,448)

6 months
1,094 (#613)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?