BAGANI, 1892-1896: Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown

Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):166-181 (2022)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang papel ay paglalagom ng itinuturing na pinakamahalagang yugto ng buhay ni José Rizal—ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan, sa lente ng konseptong “bagani” ng ating mga ninuno. Sa pagbanggit sa lang nauna nang pag-aaral ukol kay Rizal, ipapakitang kung papaanong ang yugto sa Dapitan ay ang katuparan ng kanyang mga layunin sa La Liga Filipina, na kanyang isinabuhay kasama ang bayan. Sa lente ng kasalukuyang pandemyang COVID 19, makikita natin na tila naranasan din ni Rizal sa kanyang pagkakatapon ang ilang bagay na ating dinaranas ngayon, na tila siya isang frontliner na nasa lockdown, inilagay sa kuwarentena, nag-homeschooling, nagkaroon ng lockdown sickness at namahagi ng ayudang pangkabuhayan sa mga mamamayan ng isang natutulog na bayan upang ito ay sumiglang muli. Nawa ay maging inspirasyon sa bayan na anuman ang hamon at mga balakid, walang makapipigil sa isang Pilipino na magsilbi sa bayan gamit ang kanyang mga talento at manatiling liwanag ng katotohanan at kaalaman.

Analytics

Added to PP
2022-08-29

Downloads
1,810 (#7,041)

6 months
894 (#847)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?