GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON

GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10 (2020)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong paraan, mag o-obserba ang mga mananaliksik sa mga post mula sa mga social media sites ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Quezon, upang malaman ang ginampanan ng Wikang Filipino sa pagpapalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Bilang proseso sa pagkalap ng mga datos, naghanap ang mga mananaliksik ng mga pages o sites na minamanipula ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Quezon na pinagkunan ng mga post na pumapatungkol sa COVID-19. Mula rito makakagawa ang mga mananaliksik ng content analysis mula sa mga post sa iba’t ibang sites kung paano nagamit ang Wikang Filipino at kung paano ito nakatulong upang mas maiwasan pa ang paglaganap ng virus sa Lungsod ng Quezon. Sa saliksik na ito natuklasan na hindi lamang ang Filipino ang ginamit, marami sa mga post na nakalap ay nasa Tag-lish o pinaghalong Filipino at English, dahil sa bago ito sa mga tao, nilayon ng pamahalaan at maging ang Komisyon ng Wikang Filipino na gamitin ang Wikang Filipino dahil hindi lahat ay may kakayahang umintindi ng wikang banyaga. Gayunpama’y nagkaroon din ng ambag ang wikang Ingles dahil maraming pagkakataong gumamit ng mga teknikal na termino na kadalasang maririnig natin sa agham. Nakatutulong ang saliksik na ito upang mas mabigyang linaw ang ginampanan ng wika at sa kung paano nagiging epektibo ang mga pabatid upang maiwasan ang COVID-19.

Author's Profile

Analytics

Added to PP
2021-10-01

Downloads
38,810 (#49)

6 months
4,541 (#56)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?