Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan

Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121 (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad ay mahirap na itong hanapin sa ngayon sapagkat nasa piling aklatan lamang ang may kopya ng nasabing sanaysay. Layunin ng akda na ito na ihayag ang klasik na akdang ito ni Serrano at maisalin upang mas maabot ito ng nakararami. Isasakonteksto rin ito sa estado ng pag-aaral tungkol sa lungsod at sa historiograpya nito. Gayundin, sa pagkakasalin nito na may anotasyon ay nais din ng artikulong ito na makapag-ambag sa papasibol na Araling Kalookan.

Analytics

Added to PP
2024-01-25

Downloads
139 (#80,202)

6 months
139 (#24,124)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?