Pagsusuring Moral sa mga Pilíng Tagpo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Hasaan Journal 6 (1):193-215 (2020)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español. Ikinubli ni Rizal ang mga di-makatáong pagtrato ng mga Español sa mga itinuring na Indio sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga karakter sa kaniyang dalawang akda. Mula sa Teorya ng Moral na Pag-unlad (Theory of Moral Development) ng isang Amerikanong Sikolohistang si Lawrence Kohlberg ay sinuri ng papel na ito ang 10 tagpo na nagpapakita ng katungkulang moral sa dalawang nobela gámit ang Antas at Yugto ng Moral na Pag-unlad ni Kohlberg (Kohlberg’s Levels and Stages of Moral Development). Mula sa ginawang pagsusuri, napagtanto ng papel na ito na gumamit si Rizal ng estratehiya upang ipakita na ang aksiyong isinagawa ng ahente sa bawat tagpo ay taliwas sa kaniyang kabuoang moralidad, bagaman ang pamamaraang ito ay nagdulot sa mga mambabása ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng iba’t ibang interpretasyon at pagkaunawa sa mga isinulat ng may-akda. Mapanghámon ang mga nobela ni Rizal na sumusubok sa tradisyonal na kaugalian at panuntunan ng Pilipinas maging sa pagkukunwari ng lipunang Pilipino. Malaki ang naging gampanin ng nabuong tema na sumisimbolo sa mga isyung panlipunang nais palutangin ni Rizal. Gayunpaman, dahil sa mataas na pangangatwirang moral na nakapaloob sa kaniyang mga gawa, nararapat na gamítin ito hindi lámang bílang materyal sa pagaaral ng Filipino at sa mga kaugnay na larang, kundi pati rin sa pag-aaral ng kritisismo sa politika at lipunan, maging sa pag-aaral ng etika at moralidad, partikular na sa konteksto ng Pilipinas.

Analytics

Added to PP
2021-10-24

Downloads
12,645 (#256)

6 months
2,100 (#309)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?