Abstract
Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo sa kasalukuyan ay ang Pantayong Pananaw. Nagtangka rin na maghain sa panunuring-aklat na ito ng kritika ng Pantayong Pananaw sa historiograpiyang Third Way, sa pamamagitan ng pagtugon sa mga punto ni Mojares.