Yaman Digital History (
2023)
Copy
BIBTEX
Abstract
Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian and Missionary Alliance, at iba pa. Ilan sa mga ito ay nagsama-sama upang mabuo ang Evangelical Union. Hinati nila ang Pilipinas sa iba't ibang probinsya ng mission fields (tulad ng ginawa dati ng mga Heswita, Rekoletos, Augustino, Pransiskano, at Dominikano), upang hindi sila magkaagawan sa populasyon na babahaginan ng ebanghelyo.