Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30 (2020)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar upang ipakita kung paanong ang kanyang pagpopook ng kakanyahang Pilipino (sarili) sa mundong Pan-Malayo (malapit na kapwa) at Austronesyano (malayong kapwa) ay ang lunas sa mga suliraning ito, na dala ng pagkakagapos sa Kanluran (iba). Ang pagbabalik-loob na ito sa Pan-Malayo at Austronesyanong nakaraan ng Pilipinas ay isang instrumento para sa dekolonisasyon ng kamalayang pambansa, tungo sa pakikipag-ugnayan ng sarili bilang kapantay ng kapwa at iba.

Analytics

Added to PP
n/a

Downloads
725 (#28,694)

6 months
106 (#50,117)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?