Abstract
Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni Salazar sa Unibersidad ng Pilipinas (PP) bilang magaaral ng kasaysayan (1951) hanggang sa pagkakalimbag ngkanyang Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino (1970), maaari itong bansagan bilang “Yugtong Pre-Pantayo”; 2. Panahon ng Pag-uugat ng PP sa UP mula sa pagkakalimbag ng artikulo ukol sa wikang Filipino (1970) hanggang sa pagdaraos ng Unang Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino, kaalinsabay ng paghirang sa kanya bilang dekano ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at pagdaraos ng (1989), 3. Panahon ng Pagsibol ng PP sa UP na tumutukoy sa institusyunalisasyon nito sa UP Departamento ng Kasaysayanmula sa kumperensyang ito (1989) hanggang sa pagkakalimbag ng Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan (1997), 4. Panahon ng Pagyabong ng PP sa labas ng UP mula sa pagkakalimbag ng aklat (1997) hanggang sa paglulunsad ng Saliksik E-Journal (2012), at 5. Panahon ng Pamumunga mula sa paglulunsad ngSaliksik E-Journal (2012) hanggang sa pagtatapos ng pagtuturo ni Salazar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2019).