Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan Inc. (
2021)
Copy
BIBTEX
Abstract
Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri, at pag-apuhap ng mga kaalaman mula sa binasang mga akda patungo sa pagbubuo at kapakinabangan ng bayan o sariling talastasan.