Abstract
Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang yurakan hindi lamang ang kababaihan ngunit para ipamukha ang 'kahinaan' ng mga kritiko. Kinalaunan, umusbong sa midya ang pagbabansag kay Duterte bilang 'Mang Kanor,' isang personalidad na ipinamamalas ang exhibisyonismo sa anyo ng mga pornograpikong bidyo. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang sosyo-politikal na aspektong umiinog kina Duterte at Mang Kanor at sa kung paano nila ginamit ang phallus upang magkaroon ng pamosong pagkakakilanlan sa midyang Pilipino.