Diaspolove: Isang pagsusuring tipolohikal sa mga pelikula ni olivia m. lamasan ukol sa hanapbuhay at pag-ibig

Philippine Women's University Research Journal 10 (2):1-27 (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at inspirasyon ng mga kumatha at higit sa lahat, ang pananalamin sa realidad ng lipunan sa panahon kung kailan ito kinatha. Nakasandig ang panunuring ito hindi lamang sa tradisyonal na pagbubuod ng mga kinathang pelikula, ngunit refleksibo rin uugatin ang kayariang panlipunan nito sa kasalukuyang direksiyon ng edukasyon at nakapangyayaring pagpapahalaga sa mga Pilipinong sining. Ang mga pelikulang Pilipino, lalo pa’t kung malaya at mapagpalaya ay maituturing na isang ekstensiyon at salamin ng mga communal ethos ng sambayanan at kalinangang Pilipino.

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Analytics

Added to PP
2024-03-13

Downloads
496 (#42,835)

6 months
404 (#3,628)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?