Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino

Mabini Review 10 (1):85-101 (2021)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapatriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. Sa likod ng unos na ito sa Araling Pangkasarian at higit sa lahat, sa Araling Pangkababaihan, hindi natitinag ang ilang mga akademiko at iskolar na tumuklas at paibayuhin ang mga babasahing magtatanghal sa dangal ng kababaihan. Sa abot ng aking nalalaman, ang akda ni Nancy Kimuell-Gabriel na Ang Araling Kababaihan at Kasarian sa Araling Pilipino at Wikang Filipino: Kalagayan at Hinaharap ay komprehensibong naglatag ng limpak-limpak na literaturang tumugaygay at kumakatig sa pagpapahalaga sa sektor ng kababaihan, gamit ang tematikong pagsasaray – pamilya at papel ng kababaihan; buhay at pakikibaka ng kababaihang maralita; kababaihan sa migrasyon; karahasan batay sa kasarian; disaster at vulnerabilidad; kababaihan sa bilangguan; sa mass media; sa sining at panitikan; sa mundong digital; relihiyon; etnisidad; pulitika at sekswalidad; at marami pang iba

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Analytics

Added to PP
2022-05-02

Downloads
591 (#36,492)

6 months
176 (#17,751)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?