Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino

Mabini Review 13 (1):267-280 (2024)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina ang aklat ng historyador na si Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP)— ang Dogs in Philippine History (DPH)—na may 28-kabanata—sa aking pagbibilang, habang ginagabayan ng 503-piraso ng plate o larawan, 3 mapa, 5 talahanayan, 920 na talahuli, at 496 na sanggunian—ay hindi lamang isang historikal ngunit tematiko rin ang pagkakasalanlan. Ito ay maari rin gawing balangkas at salalayan ng susunod pang mga pagaaral na nagkakaroon ng interes sa kalikasan at kapaligiran.

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Analytics

Added to PP
2024-06-12

Downloads
85 (#94,732)

6 months
85 (#75,440)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?