Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutulungang makaalpas (...) ang ningning ng aming kagawaran tungo sa mayamang pag-aaral sa kasaysayan. (shrink)