Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino

Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55 (2024)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa meron ni Roque Ferriols. Mapapansin sa paglalarawan sa sarili ang pagkamangha ni Mercado sa konsepto ng kasarinlan salungat sa kalayaan. Ang pagtuon ni Mercado sa kasarinlan ang tulay patungo sa pagsagot sa mga paratang sa pilosopiyang Pilipino. Sinasabi ni Noel Pariñas na imposible ang pagkakaroon ng pilosopiyang Pilipino habang naniniwala naman si Rolando Gripaldo na Kanluranin ito. Naging inspirasyon ng papel na ito ang “balangkas ng dekolonisasyon” ng peministang si Kelly Agra sa pagtugon sa dalawang suliraning inihayag ni Pariñas at Gripaldo. Kung kaya’t ipinakikita ng papel na ito na mahahalagang sangkap ang ating pag-unawa sa sarili at kasarinlan sa pagpapasimula ng dekolonisasyon at maging sa pagbibigay kaganapan mismo sa kasarinlan. Higit sa lahat, pinalilitaw ng buong diskursong ito ang hindi napapansing kahalagahan at implikasyon ng pagsasaliksik tungkol sa sarili; kalakip nito ang hangad na mas marami pang mga palaisip at mag-aaral ang magtangka na sumisid sa mga hindi kilalang mga sangkap ng pilosopiyang Pilipino habang nakikilahok sa proseso ng dekolonisasyon ng Pilipinong kaisipan.

Author's Profile

Justine Inocando
University of the Philippines, Los Baños

Analytics

Added to PP
2024-05-03

Downloads
77 (#90,234)

6 months
77 (#59,258)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?