Results for 'dekolonisasyon'

Order:
  1. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino.Justine Inocando - 2024 - Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55.
    Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa meron (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark