Abstract
Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng kasaysayan.