Results for 'Kuwentong Buhay'

14 found
Order:
  1. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
    Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, na tumutuon ng pansin sa wika at panitikan. Bahagi ng usaping pampanitikan ang iba’t ibang halimbawa nito, magmula sa maikling kuwento, kuwentong-bayan, tula, epiko at marami pang iba. Layunin ng pag-aaral na: (1) matuklasan ang nararapat na halimbawang kuwentong-bayan na maaaring maging karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa sekondarya sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo, (2) malaman ang uri ng kagamitang pampagtuturo na paglalapatan ng nasabing (...)-bayan batay sa panlasa ng mga gagamit nito, (3) malaman ang antas ng katanggapan batay sa ginagawang karagdagang kagamitang pampagtuturo. Mula sa ginawang pangangalap ng datos mula sa inisyal na sarbey na sinagutan ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baytang at mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa antas sekondarya, lumabas na ang alamat ang pinakabasahin at ninanais na makalap at mabuo bilang isang modyul na karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto. Samantala sa kagamitang panturo ay nanguna ang modyul dito upang paglagyan ng napiling uri ng kuwentong-bayan para sa pag-aaral na ito. Sa pangangalap ng mga alamat, napag-alaman na may mga alamat o kasaysayan ang bawat barangay. Malaki ang tyansa na ang kagamitang nabuo sa pag-aaral na ito ang magsilbing daan upang mapreserba at manatiling buhay ang ganitong uri ng akda na sasalamin pamumuhay ng lugar na pinagmulan nito kahit lumipas man ang mahabang panahon. Ang natapos na modyul ng mga alamat ay sinuri at pinagtibay ng mga Filipinong guro mula sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo sa pamamagitan ng pagsagot sa sarbey ng antas ng katanggapan. (shrink)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño.Axle Christien Tugano - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):48-90.
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Taliwas dito, itinatampok sa pag-aaral na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  4. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  5. Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. (1 other version)Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
    Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi tuluyang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
    Ang mga kwentong Jollibee na dinalumat ng mananaliksik ay binubuo ng tatlumpot-siyam (39) na mga kwentong hango sa totoong buhay. Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang mga konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee sa paraang panghihikayat sa madla gamit ang advertising. Layunin nito na mailahad ang kaugnayan ng konseptong AIDA sa mga kwentong binibigyang tampok ng Jollibee sa iba’t ibang selebrasyon mula sa taong 2016-2022. Kaya naman gumamit ng metodong pagsusuri ng dokumento (document analysis), at thematic analysis ang mananaliksik. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
    Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, karanasan at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. BAGANI, 1892-1896: Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown.Michael Charleston “Xiao” B. Chua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):166-181.
    Ang papel ay paglalagom ng itinuturing na pinakamahalagang yugto ng buhay ni José Rizal—ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan, sa lente ng konseptong “bagani” ng ating mga ninuno. Sa pagbanggit sa lang nauna nang pag-aaral ukol kay Rizal, ipapakitang kung papaanong ang yugto sa Dapitan ay ang katuparan ng kanyang mga layunin sa La Liga Filipina, na kanyang isinabuhay kasama ang bayan. Sa lente ng kasalukuyang pandemyang COVID 19, makikita natin na tila naranasan din ni Rizal sa kanyang pagkakatapon ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Mga Pangako ng Puso, Mga Sakripisyo ng Kamay: Imahen ng Estados Unidos Bilang Kanlungang Pilipino Batay sa mga Piling Pelikula ni Olivia Lamasan.Axle Christien Tugano - 2021 - Hasaan Journal 7 (1).
    Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasanayang pagtrato sa mga romantic movie ng mga Pilipino sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Mabini Review 10 (1):85-101.
    Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapatriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark