Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center (
2019)
Copy
BIBTEX
Abstract
Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y pinamumunuan ito ng mga lider (i.e. babaylan para sa mga sinaunang Pilipino at pawang/dukun sa mga katutubong Indones). Sa pagpasok ng kolonisasyon ng sa mundo ng mga Melayu, nagkaroon ng malawakang pagkitil sa lipunan at mga katutubong paniniwala/tradisyon. Kung niyakap man nila ang ipinakilalang relihiyon ng mga dayuhan, nawalan naman sila ng pakikisangkot kung kaya’t nagbunsod ito sa pagbubuo ng mga kalat-kalat na kilusan. Sa kabila ng malalim na koneksyon ng mga katutubo sa kanilang lumang paniniwala, hindi nakapagtataka kung bakit katuwang nila ang kabuuang salik nito sa pagbubuo at adhikain ng mga kilusan. Ito ang direktang dahilan kung bakit sila binansagan ng mga Kanluranin bilang mga mesyaniko, kilyastiko, at panatiko. Itinatampok sa pag-aaral na ito ang komparatibong pag-aaral sa mga kilusang mapagpalaya na naka-ugat sa relihiyon noong kalagitnaan ng dantaon 19. Muling tatalakayin ang pagbubuo ng Cofradia de San Jose (1832) ni Hermano Puli ng Tayabas, Pilipinas laban sa mga prayleng Kastila. Pagkatapos nito’y ihahalintulad naman ang huli sa mga kilusang panrelihyon na nabuo sa ibayong dagat katulad ng Digmaang Minangkabau (1803-1837) ni Tuanku Imam Bonjol ng Kanlurang Sumatra, Indonesia laban sa mga kasangkot at sulsol na Holandes sa pagwasak ng katutubong paniniwala at panloob na relasyon.