Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75 (2018)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian History (2011); Rizal’s Teeth, Bonifacio’s Bones (2012); Prehistoric Philippines (2012); Storm Chasers (2014); at Virgin of Balintawak (2014). Hindi naglaon, tila bagang isang palos ang pagkakalathala ng mga sumunod pang mga akda—Demonyo in Tables: History in Artifacts (2015); Two Lunas, Two Mabinis (2015); Independence X6 (2016); Quezon’s Sukiyaki (2016); at Guns of the Katipunan (2017). Sa mga nabanggit na akda ni Ambeth Ocampo, ang Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian History ang higit na pinagtuunan ng pansin at diin ng rebyuwer. Sa kasalukuyang pagkakataon, ilalatag ng rebyuwer sa papel na ito ang kanyang mga natatanging komendasyon (kalakasan) at kritik (kahinaan) hinggil sa 102-pahinang aklat ni Ocampo. Sisipatin din ang kanyang pagkakadalumat sa ugnayan ng Pilipinas sa mga Asyanikong bansa na siya naman talagang dapat maging tunguhin ng rebyung ito.

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Analytics

Added to PP
2021-07-20

Downloads
1,475 (#9,857)

6 months
440 (#2,759)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?