Results for 'Batayan'

4 found
Order:
  1. Ang Pagtatagpo ng Noli Me Tangere at Telebisyon: Batayan sa Mungkahing Gabay ng Guro (Teacher’s Guide).Jell Vicor P. Opeña - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (3):140-160.
    Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide) bilang kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Gamit ang deskriptibong pananaliksik, natuklasan na 81% ng mga guro ang nagsabing makatutulong ang paglikha ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide). Ayon naman sa 95% ng mga mag-aaral, nararapat isama ang mga gawaing kaugnay ng panonood upang mas maging interaktibo at epektibo ang pagkatuto ng nabanggit panitikan. Batay sa mga inilahad na kinalabasan, nabatid ng mananaliksik na malaking bahagdan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark