Results for 'Samu Pehkonen'

4 found
Order:
  1. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan.Mark Joseph Santos - 2018 - Saliksik E-Journal 7 (3):121-138.
    Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
    Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark