Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227 (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Isang patuloy na hamon sa wikang Filipino at sa mga gumagamit nito sa panahon ng pandemya ang pagpapayabong ng kultura ng saliksik. Sa kabila ng iba’t ibang modalidad ng pagkatuto ng mag-aaral, tinukoy ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng guro sa pagtuturo ng Pananaliksik gayundin naitala ang kanilang karanasan at natukoy ang hamon at suliranin na kanilang kinaharap. Penomenolohikal na pagsusuri ang disenyong ginamit sa pag-aaral na tumuon sa pagsukat at pag-aanalisang tematiko ng mga tugon. Inilahad ng pag-aaral na ito na malaking suliranin ng guro at mag-aaral ang mahinang koneksyon ng internet, subalit nagampanan pa rin ng bawat isa ang kani-kanilang tungkulin; ang maghatid ng impormasyon sa bahagi ng guro at unawain ang mga ito sa panig naman ng mag-aaral nang sa ganoon ay makabuo ng papel-pampananaliksik sa wikang Filipino. At bilang tugon sa pangangailangan ng mag-aaral gayundin ang maisulong ang intelektwalisasyon ng Wika, may mungkahing programa na inilaan sa patuloy na pagpapalakas ng wikang Filipino.

Analytics

Added to PP
2023-12-11

Downloads
5,033 (#1,364)

6 months
2,387 (#165)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?