Results for 'pananaliksik'

15 found
Order:
  1. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.
    Isang patuloy na hamon sa wikang Filipino at sa mga gumagamit nito sa panahon ng pandemya ang pagpapayabong ng kultura ng saliksik. Sa kabila ng iba’t ibang modalidad ng pagkatuto ng mag-aaral, tinukoy ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng guro sa pagtuturo ng Pananaliksik gayundin naitala ang kanilang karanasan at natukoy ang hamon at suliranin na kanilang kinaharap. Penomenolohikal na pagsusuri ang disenyong ginamit sa pag-aaral na tumuon sa pagsukat at pag-aanalisang tematiko ng mga tugon. Inilahad ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Babae at Lalaki: Usaping Kasari-sarian sa Pangingisda (A Research in Social Anthropology Focused on Gender Roles in Fishing).Joanna Frances Isabelle Sajor - 2019 - University of the Philippines Diliman.
    Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa munisipyo ng Mahatao na matatagpuan sa Isla ng Batan, probinsya ng Batanes. Karatig bayan nito ang Basco (kabisera ng probinsya) sa gawing timog. Binubuo ito ng apat na maliliit na barangay: Kaumbakan, Hañib, Panatayan, at Uvoy. Ang pangingisda ay isa lamang sa mga gawaing pangkabuhayan ng karamihan ng mamamayan na nakatira sa Mahatao gayundin ang kalahatan ng Batanes dahil sa malaki ang sakop ng anyong tubig na nakapalibot dito dagat na tanging makukuha (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Ang Pagtatagpo ng Noli Me Tangere at Telebisyon: Batayan sa Mungkahing Gabay ng Guro (Teacher’s Guide).Jell Vicor P. Opeña - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (3):140-160.
    Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide) bilang kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Gamit ang deskriptibong pananaliksik, natuklasan na 81% ng mga guro ang nagsabing makatutulong ang paglikha ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide). Ayon naman sa 95% ng mga mag-aaral, nararapat isama ang mga gawaing kaugnay ng panonood upang mas maging interaktibo at epektibo ang pagkatuto ng nabanggit panitikan. Batay sa mga inilahad na kinalabasan, nabatid ng mananaliksik na malaking (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao.Noel Pariñas - 2024 - Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy 1 (Special Issue):163-179.
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
    Ang mga pelikula ng viva max ay namayagpag mula ng magkaroon ng lockdown sa Pilipinas. Sa yugtong ito, nagpalabas ang viva films ng mga pelikula sa pamamagitan ng aplikasyong viva max. Sa panonood ng mga pelikula rito, kailangan mag-subscribe ng manonood. Ang pinakamababng subscription nito ay 149.00. Sa plan na ito, isang buwan ng makakapanood ang subscriber ng lahat ng pelikula ng viva max. Nilalayon ng pananaliksik na ito na talakayin ang kalagayan ng kababaihang gumaganap sa mga piling pelikula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Estado ng Edukasyong Pansining BIswal sa mga Piling Pamantasan sa PIlipinas.Joseph Reylan Viray, Jun Badie, Crislie Unabia & Lailanie Gutierrez - manuscript
    Ang kolektibong sanaysay na ito ay nagtatasa sa kalagayan at estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas. Sakop ng papel ang mga sumusunod na paaralan: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle-Lipa, Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology, at Notre Dame of Marbel University. Dalawang tanong ang tinangkang sagutin ng papel: Una, ano ang estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas? Pangalawa, ano-ano ang mga posibleng solusyon sa mga suliranin na nakahahadlang sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
    Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO, KLIMANG PANGKLASRUM AT PERFROMANS SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADO 11.Nera Grace A. Macario & Denro B. Macario - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at performans sa Filipino ng mga mag-aaral sa grado labing-isa (11) ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy. Ito rin ay naglayong matukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kapaligirang pampagkatuto at klimang pangklasrum at kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa performans sa Filipino. Ang mga kinakailangang datos ay tinipon sa pamamagitan ng pagbigay ng talatanungan sa kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at pagsusulit sa performans sa Filipino. Isandaan na nagmula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
    Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11.  89
    SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal.Fame Pascua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University Center for Philippine Studies 1 (1):116-126.
    Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan at pagsulong kanilang laban para sa kalayaan. At sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan, si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang ito ay sinikap ding mabigyang resiprokasyon ng mga Pilipino. Ang pagtingin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark