Abstract
Karaniwang itinuturing si Jose Rizal bilang tagapanguna ng paninindigan sa karapatan ng babae sa Asya. Eksplisito itong ipinahayag ng pambansang heroƩ sa pamamagitan ng kanyang liham sa mga kababaihan ng Malolos. Ang mga prinsipyong
isinulong dito ni Rizal, ayon kay Lilia Quindoza-Santiago, ay nagtataglay ng mga implikasyon sa kilusang kababaihan sa bansa. Maliban sa liham na nabanggit, mapagkukunan din ng interpretasyon ang ilang babaeng tauhan ni Rizal sa kanyang mga
nobela. Ilang bagay ang dapat itanong: habang kritikal nga si Rizal sa patriarka, saan maitatakda ang hangganan ng kanyang
paninindigan tungkol sa kalagayan ng babae sa kolonya? Paano naging bahagi ng kaniyang nasyonalismo ang mga imahenaryong nilikha niya tungkol sa babae?