KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO, KLIMANG PANGKLASRUM AT PERFROMANS SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADO 11

Get International Research Journal 1 (2) (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at performans sa Filipino ng mga mag-aaral sa grado labing-isa (11) ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy. Ito rin ay naglayong matukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kapaligirang pampagkatuto at klimang pangklasrum at kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa performans sa Filipino. Ang mga kinakailangang datos ay tinipon sa pamamagitan ng pagbigay ng talatanungan sa kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at pagsusulit sa performans sa Filipino. Isandaan na nagmula sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy ang naging kalahok sa pagaaral na ito. Sila ay pinili gamit ang stratified quota random sampling. Ang mga datos ay sinuri sa larangan ng computerprocessed statistics, percentage mean, frequency count, standard deviation, One Way ANOVA (Analysis of Variance), t-test at Pearson’ r. Ang alpha level ay nakaset sa .05 sa lahat ng inferensyal na pagsusulit. Ang mga natuklasan ay nagpakita na may “kaaya-aya” na antas ang kapaligirang pampagkatuto at may “kaaya-aya” na antas ang klimang pangklasrum. Napag-alaman din na mayroon silang “katamtamang” performans sa Filipino. Nakita rin sa pananaliksik na ito na “walang makabuluhang kaugnayan” ang performans sa Filipino sa antas ng kapaligirang pampagkatuto at antas ng klimang pangklasrum. Napag-alaman din na “walang makabuluhang pagkakaiba” ang kapaligirang pampagkatuto sa performans sa Filipino. “Wala ring makabuluhang pagkakaiba” ang klimang pangklasrum ng mga mag-aaral sa Filipino sa performans sa Filipino. Napag-alaman din na “walang makabuluhang kaugnayan” ang kapaligirang pampagkatuto sa klimang pangklasrum maging ang kapaligirang ampagkatuto sa performans sa Filipino gayundin ang klimang pangklasrum at performans sa Filipino

Analytics

Added to PP
2023-11-29

Downloads
121 (#83,199)

6 months
121 (#30,558)

Historical graph of downloads since first upload
This graph includes both downloads from PhilArchive and clicks on external links on PhilPapers.
How can I increase my downloads?