Results for 'Mag-aaral sa Grado 11'

1000+ found
Order:
  1. KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO, KLIMANG PANGKLASRUM AT PERFROMANS SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADO 11.Nera Grace A. Macario & Denro B. Macario - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at performans sa Filipino ng mga mag-aaral sa grado labing-isa (11) ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy. Ito rin ay naglayong matukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kapaligirang pampagkatuto at klimang pangklasrum at kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa performans sa Filipino. Ang mga kinakailangang datos ay tinipon sa pamamagitan ng pagbigay ng talatanungan sa kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at pagsusulit sa performans sa Filipino. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  3. MAY PUWANG KA PA BA?: PAGGALUGAD SA SALOOBIN HINGGIL SA PAGGAMIT NG FILIPINO SA MGA PILING ASIGNATURA NG GEC (GENERAL EDUCATION CURICULUM).Alfredo D. Trinidad - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nararapat lamang na malinang nang lubusan ng mga tagapagturong may sapat na kasanayan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pagsusuring palarawan, upang malinaw na makita ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino sa paraan na pagpapahayag ng kanilang saloobin. Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Filipino sa mga piling asignatura ng GEC (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.
    Isang patuloy na hamon sa wikang Filipino at sa mga gumagamit nito sa panahon ng pandemya ang pagpapayabong ng kultura ng saliksik. Sa kabila ng iba’t ibang modalidad ng pagkatuto ng mag-aaral, tinukoy ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng guro sa pagtuturo ng Pananaliksik gayundin naitala ang kanilang karanasan at natukoy ang hamon at suliranin na kanilang kinaharap. Penomenolohikal na pagsusuri ang disenyong ginamit sa pag-aaral na tumuon sa pagsukat at pag-aanalisang tematiko ng mga tugon. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Ang Pagtatagpo ng Noli Me Tangere at Telebisyon: Batayan sa Mungkahing Gabay ng Guro (Teacher’s Guide).Jell Vicor P. Opeña - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (3):140-160.
    Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide) bilang kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Gamit ang deskriptibong pananaliksik, natuklasan na 81% ng mga guro ang nagsabing makatutulong ang paglikha ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide). Ayon naman sa 95% ng mga mag-aaral, nararapat isama ang mga gawaing kaugnay ng panonood upang mas maging interaktibo at epektibo ang pagkatuto ng nabanggit panitikan. Batay sa mga inilahad na kinalabasan, nabatid ng mananaliksik na malaking bahagdan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. Salazar.Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  7.  48
    Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino.Justine Inocando - 2024 - Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55.
    Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa meron (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph P. Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
    Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
    Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, na tumutuon ng pansin sa wika at panitikan. Bahagi ng usaping pampanitikan ang iba’t ibang halimbawa nito, magmula sa maikling kuwento, kuwentong-bayan, tula, epiko at marami pang iba. Layunin ng pag-aaral na: (1) matuklasan ang nararapat na halimbawang kuwentong-bayan na maaaring maging karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa sekondarya sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo, (2) malaman ang uri ng kagamitang pampagtuturo na paglalapatan ng nasabing kuwentong-bayan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Beyond Words: Uncovering the Untold Stories of Multilingual Students' Lived Experiences in Online Distance Learning.Melvin Guache, Karen Manaig, John Federick Tesoro, Albert Yazon & Sherwin Sapin - 2023 - Journal of Elementary and Secondary School 1 (1):1-15.
    This study aimed to examine the lived experiences of multilingual students in online distance learning during the height of the COVID-19 pandemic. The study utilized the qualitative research design - transcendental phenomenology and employed purposive sampling. The study participants were ten (10) multilingual students among Senior High School Students. A researcher-made questionnaire was reviewed by research experts and was used in individual interviews with the participants. The collected data through interviews underwent thematic analyses and triangulation. Based on the findings, the (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15.  97
    Pag-Ukad at Paglilirip: Masusing Pag-Aaral sa Ibat-Ibang Form ng Nawn Preys sa Isla ng Biri.Gina Bernaldez Araojo, Angelica Bruzola-Harris & Cynic Jazmin Tenedero - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):196-212.
    Ito ay pag-aaral sa ibat-ibang form ng nawn preys sa isla ng Biri, Northern Samar. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray. Inilimita lamang ang pagsusuring ito sa mga fityur at istraktyur ng nawn at mga konstityuwent na bumubuo sa nawn preys sa Biri-Waray. Ang analisis sa pag-aaral na ito ay ibinatay lamang mula sa nakalap na datos mula sa siyam na informant na nagmula sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Ang Retorika ng Rehimeng Duterte at ang Kulturang Pilipino: Isang Kasong Pag-aaral sa Pagbabanggaan ng Burukrasya at Kultura.Mark Joseph Santos - 2017 - Historical Bulletin 51:50-92.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal.Fame Pascua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University Center for Philippine Studies 1 (1):116-126.
    Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan at pagsulong kanilang laban para sa kalayaan. At sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan, si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang ito ay sinikap ding mabigyang resiprokasyon ng mga Pilipino. Ang pagtingin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
    Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. Kasaklawan ng diskursong pangturismo sa Pilipinas: Isang pundamental na pagsusuri sa paglalakbay.Axle Christien Tugano - 2024 - Philippine Women's University Research Journal 11 (1).
    Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maipasok sa talastasang F/Pilipino ang usapin ng turismo at paglalakbay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Failed-Art and Failed Art-Theory.Christy Mag Uidhir - 2010 - Australasian Journal of Philosophy 88 (3):381-400.
    An object being non-art appears only trivially informative. Some non-art objects, however, could be saliently 'almost' art, and therefore objects for which being non-art is non-trivially informative. I call these kinds of non-art objects 'failed-art' objects—non-art objects aetiologically similar to art-objects, diverging only in virtue of some relevant failure. I take failed-art to be the right sort of thing, to result from the right sort of action, and to have the right sort of history required to be art, but to (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   7 citations  
  21. Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
    Ang mga kwentong Jollibee na dinalumat ng mananaliksik ay binubuo ng tatlumpot-siyam (39) na mga kwentong hango sa totoong buhay. Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang mga konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee sa paraang panghihikayat sa madla gamit ang advertising. Layunin nito na mailahad ang kaugnayan ng konseptong AIDA sa mga kwentong binibigyang tampok ng Jollibee sa iba’t ibang selebrasyon mula sa taong 2016-2022. Kaya naman gumamit ng metodong pagsusuri ng dokumento (document analysis), at thematic analysis ang mananaliksik. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  23. Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1):120-161.
    Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  24. Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa.Axle Christien Tugano - 2018 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75.
    Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  25. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  26. Mga Salik sa Pagkabigo ng Protestantismo na Lumaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kolonyalismong Amerikano.Mark Joseph Santos - 2023 - Yaman Digital History.
    Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian and (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  27. Diaspolove: Isang pagsusuring tipolohikal sa mga pelikula ni olivia m. lamasan ukol sa hanapbuhay at pag-ibig.Axle Christien Tugano - 2024 - Bidlisiw Journal 4 (1):1-18.
    Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at inspirasyon ng mga kumatha at higit sa lahat, ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  28. Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
    Ang mga pelikula ng viva max ay namayagpag mula ng magkaroon ng lockdown sa Pilipinas. Sa yugtong ito, nagpalabas ang viva films ng mga pelikula sa pamamagitan ng aplikasyong viva max. Sa panonood ng mga pelikula rito, kailangan mag-subscribe ng manonood. Ang pinakamababng subscription nito ay 149.00. Sa plan na ito, isang buwan ng makakapanood ang subscriber ng lahat ng pelikula ng viva max. Nilalayon ng pananaliksik na ito na talakayin ang kalagayan ng kababaihang gumaganap sa mga piling pelikula ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  29. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
    Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong paraan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  30. Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino.Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos - 2022 - Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2):30-49.
    Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  31. Pagsusuring Moral sa mga Pilíng Tagpo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.Clarissa Mae Paranas, Nixon Paul J. Sumaoang & Niña Jesusa G. Reyes - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):193-215.
    Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español. Ikinubli ni Rizal ang mga di-makatáong pagtrato ng mga Español sa mga itinuring na Indio sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga karakter sa kaniyang dalawang akda. Mula sa Teorya ng Moral na Pag-unlad (Theory of Moral Development) ng isang Amerikanong Sikolohistang si Lawrence Kohlberg ay sinuri ng papel na ito ang 10 (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  32. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  33. ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
    Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng isang komprehensibong istruktura ng gramatika na nakatuon sa katangian ng Nawn Preys (NP). Ito ang kauna-unahang pag-aaral na nakapokus sa katangian ng NP ng isang varayti ng wikang Waray na wala pang anumang naisagawang pag-aaral. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray at sa gabay ng tagapayo. Ang mga kinapanayam ay mga nasa edad 47- 67 at mga (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  34. Art Concept Pluralism.Christy Mag Uidhir & P. D. Magnus - 2011 - Metaphilosophy 42 (1-2):83-97.
    Abstract: There is a long tradition of trying to analyze art either by providing a definition (essentialism) or by tracing its contours as an indefinable, open concept (anti-essentialism). Both art essentialists and art anti-essentialists share an implicit assumption of art concept monism. This article argues that this assumption is a mistake. Species concept pluralism—a well-explored position in philosophy of biology—provides a model for art concept pluralism. The article explores the conditions under which concept pluralism is appropriate, and argues that they (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   18 citations  
  35. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  36. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  37. Why Pornography Can't Be Art.Christy Mag Uidhir - 2009 - Philosophy and Literature 33 (1):193-203.
    Claims that pornography cannot be art typically depend on controversial claims about essential value differences (moral, aesthetic) between pornography and art. In this paper, I offer a value-neutral exclusionary claim, showing pornography to be descriptively at odds with art. I then show how my view is an improvement on similar claims made by Jerrold Levinson. Finally I draw parallels between art and pornography and art and advertising as well as show that my view is consistent with our typical usage of (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   8 citations  
  38.  97
    Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  39. Photographic Art: An Ontology Fit to Print.Christy Mag Uidhir - 2012 - Journal of Aesthetics and Art Criticism 70 (1):31-42.
    A standard art-ontological position is to construe repeatable artworks as abstract objects that admit multiple concrete instances. Since photographic artworks are putatively repeatable, the ontology of photographic art is by default modelled after standard repeatable-work ontology. I argue, however, that the construal of photographic artworks as abstracta mistakenly ignores photography’s printmaking genealogy, specifically its ontological inheritance. More precisely, I claim that the products of printmaking media (prints) minimally must be construed in a manner consistent with basic print ontology, the most (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   6 citations  
  40. Aesthetic Higher-Order Evidence for Subjectivists.Luis Oliveira & Chris Mag Uidhir - 2023 - British Journal of Aesthetics 63 (2):235-249.
    Aesthetic subjectivism takes the truth of aesthetic judgments to be relative to the individual making that judgment. Despite widespread suspicion, however, this does not mean that one cannot be wrong about such judgments. Accordingly, this does not mean that one cannot gain higher-order evidence of error and fallibility that bears on the rationality of the aesthetic judgment in question. In this paper, we explain and explore these issues in some detail.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  41. Art, Metaphysics, & the Paradox of Standards.Christy Mag Uidhir - 2013 - In Art & Abstract Objects. Oxford University Press.
    I consider the field of aesthetics to be at its most productive and engaging when adopting a broadly philosophically informative approach to its core issues (e.g., shaping and testing putative art theoretic commitments against the relevant standard models employed in philosophy of language, metaphysics, and philosophy of mind) and to be at its most impotent and bewildering when cultivating a philosophically insular character (e.g., selecting interpretative, ontological, or conceptual models solely for fit with pre-fixed art theoretic commitments). For example, when (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  42. Minimal authorship (of sorts).Christy Mag Uidhir - 2011 - Philosophical Studies 154 (3):373 - 387.
    I propose a minimal account of authorship that specifies the fundamental nature of the author-relation and its minimal domain composition in terms of a three-place causal-intentional relation holding between agents and sort-relative works. I contrast my account with the minimal account tacitly held by most authorship theories, which is a two-place relation holding between agents and works simpliciter. I claim that only my view can ground productive and informative principled distincitons between collective production and collective authorship.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  43. The Paradox of Suspense Realism.Christy Mag Uidhir - 2011 - Journal of Aesthetics and Art Criticism 69 (2):161-171.
    Most theories of suspense implicitly or explicitly have as a background assumption what I call suspense realism, i.e., that suspense is itself a genuine, distinct emotion. I claim that for a theory of suspense to entail suspense realism is for that theory to entail a contradiction, and so, we ought instead assume a background of suspense eliminativism, i.e., that there is no such genuine, distinct emotion that is the emotion of suspense. More precisely, I argue that i) any suspense realist (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   3 citations  
  44. Recordings as Performances.Christy Mag Uidhir - 2007 - British Journal of Aesthetics 47 (3):298-314.
    This article claims that there is no in principle aesthetic difference between a live performance and a recording of that performance, and as such, performance individuation ought to be revised to reflect this. We ought to regard performances as types able to be instantiated both by live performances and by recordings of those performances, or we ought to abandon performances qua aesthetic objects.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  45. BAGANI, 1892-1896: Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown.Michael Charleston “Xiao” B. Chua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):166-181.
    Ang papel ay paglalagom ng itinuturing na pinakamahalagang yugto ng buhay ni José Rizal—ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan, sa lente ng konseptong “bagani” ng ating mga ninuno. Sa pagbanggit sa lang nauna nang pag-aaral ukol kay Rizal, ipapakitang kung papaanong ang yugto sa Dapitan ay ang katuparan ng kanyang mga layunin sa La Liga Filipina, na kanyang isinabuhay kasama ang bayan. Sa lente ng kasalukuyang pandemyang COVID 19, makikita natin na tila naranasan din ni Rizal sa kanyang pagkakatapon ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  46. Comics & Collective Authorship.Christy Mag Uidhir - 2012 - In Aaron Meskin & Roy T. Cook (eds.), The Art of Comics: A Philosophical Approach. Wiley-Blackwell. pp. 47-67.
    Most mass-art comics (e.g., “superhero” comics) are collectively produced, that is, different people are responsible for different production elements. As such, the more disparate comic production roles we begin to regard as significantly or uniquely contributory, the more difficult questions of comic authorship become, and the more we view various distinct production roles as potentially constitutive is the more we must view comic authorship as potentially collective authorship. Given the general unreliability of intuitions with respect to collective authorship (coupled with (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  47. An eliminativist theory of suspense.Christy Mag Uidhir - 2011 - Philosophy and Literature 35 (1):121-133.
    Motivating philosophical interest in the notion of suspense requires comparatively little appeal to what goes on in our ordinary work-a-day lives. After all, with respect to our everyday engagements with the actual world suspense appears to be largely absent—most of us seem to lead lives relatively suspense-free. The notion of suspense strikes us as interesting largely because of its significance with respect to our engagements with (largely fictional) narratives. So, when I indicate a preference for suspense novels, I indicate a (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   3 citations  
  48. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna.Axle Christien Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118.
    Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  49. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  50. ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng isang komprehensibong istruktura ng gramatika na nakatuon sa katangian ng Nawn Preys (NP). Ito ang kauna-unahang pag-aaral na nakapokus sa katangian ng NP ng isang varayti ng wikang Waray na wala pang anumang naisagawang pag-aaral. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray at sa gabay ng tagapayo. Ang mga kinapanayam ay mga nasa edad 47- 67 at mga (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
1 — 50 / 1000