Cainta: Bagong Kasaysayan, Inc. (
2024)
Copy
BIBTEX
Abstract
Primaryang naisakatuparan sa akdang ito ang gawain ng "pagpapahaba sa panahon" sa pamamagitan ng pananangkapan sa iba pang mga mapagkukuhanang datos na lampas sa mga batis na tradisyunal. Malaking tulong ang naging utilisasyon ng may-akda sa mga disiplina ng arkeyolohiya, anthropolohiya, linggwistika, at iba pa na kahima't hindi bahagi ng pormal na pagsasanay ay nakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim sa pag-aaral. Ito ay upang mailayo ang pagsasakasaysayan ng Taguig sa mapaglimitang hangganan na tinatakda ng historisismo-positibistikong nosyon ng pagsasakasaysayan. At sa pamamagitan ng pananangkapan sa mga pantulong na disiplina ay naging posible ang "pag-uunat" sa kasaysayan ng Taguig — isang kasaysayang natitiyak natin na hindi nag-umpisa noong 1587 lamang.