Results for 'Kasaysayan ng Taguig'

160 found
Order:
  1.  79
    Ang Bayan ng Tagagiik: Isang Kasaysayang Pampook.Jolan Saluria - 2024 - Cainta: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Primaryang naisakatuparan sa akdang ito ang gawain ng "pagpapahaba sa panahon" sa pamamagitan ng pananangkapan sa iba pang mga mapagkukuhanang datos na lampas sa mga batis na tradisyunal. Malaking tulong ang naging utilisasyon ng may-akda sa mga disiplina ng arkeyolohiya, anthropolohiya, linggwistika, at iba pa na kahima't hindi bahagi ng pormal na pagsasanay ay nakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim sa pag-aaral. Ito ay upang mailayo ang pagsasakasaysayan ng Taguig sa mapaglimitang hangganan na tinatakda ng historisismo-positibistikong nosyon ng pagsasakasaysayan. At (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Sakit ng Loob, Sakit ng Labas: Pagtutumbas sa mga Neolohismong Umusbong sa Kontemporanidad ng COVID-19 Tungo sa Pag-unawa ng Kasaysayan ng Ketong sa Patolohiyang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2020 - Katipunan Journal 6 (1):132-181.
    This article aims to highlight the resounding issue regarding the pandemic caused by COVID-19 in the Philippines. In hindsight, it seems that contemporary Filipinos treat its spread as a new and first disease that our society has experienced. It only reflects the inexhaustible study of Filipino pathology. So there is a tendency for the Filipino government to tarnish or not take the future pandemic seriously because apart from the lack of knowledge about pandemics, it is possible that our society does (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  5. Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2024 - Mabini Review 13 (1):267-280.
    Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino ni Emmanuel De Leon. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Dalumat 7:79-83.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan.Mark Joseph Santos - 2018 - Saliksik E-Journal 7 (3):121-138.
    Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa.Axle Christien Tugano - 2018 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75.
    Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  9. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
    Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, na tumutuon ng pansin sa wika at panitikan. Bahagi ng usaping pampanitikan ang iba’t ibang halimbawa nito, magmula sa maikling kuwento, kuwentong-bayan, tula, epiko at marami pang iba. Layunin ng pag-aaral na: (1) matuklasan ang nararapat na halimbawang kuwentong-bayan na maaaring maging karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa sekondarya sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo, (2) malaman ang uri ng kagamitang pampagtuturo na paglalapatan ng nasabing kuwentong-bayan batay sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  12. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. Salazar.Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutulungang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  14. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  15. Tungo sa Isang Pilosopiya ng Ginhawa.Roland Macawili - 2023 - Talas: Interdisiplinaryong Journal Sa Edukasyong Pangkultura 7:88-112.
    Ang papel na ito ay isang pagtatangka ng paghahawan ng landas tungo sa potensyal ngginhawa bilang isang konseptong kultural-pilosopikal. Gagawin ang paghahawan mula sapagtititistis ng ilang datos mula sa kasaysayan, kultura at maging sa wikang Filipino. Nahahatiang papel sa dalawang bahagi: una, ang talakay sa lagay ng Pilosopiyang Pilipino; pangalawaang pagbubulaybulay tungkol sa ginhawa bilang konsepto, sa aspektong historikal, politiko-ekonomiko, at linggwistiko.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18.  46
    Wala ed Pusok so Pangasinan, Adadtoy Pusok iti Pangasinan, Pangasinan is in the Heart: Si Carlos S. Bulosan (1913-1956) sa Konteksto ng Kasaysayang Pangasinense.Axle Christien Tugano - 2024 - Lakandayang Journal of Cultural Studies 1 (1):68-91.
    Kilala si Carlos Bulosan (1913-1956), higit sa lahat ang kaniyang isinulat na semi-autobiograpiya na America is in the Heart (1946), kung saan kaniyang ipinamalas ang karanasan bilang isang lider-manggagawa sa Estados Unidos sa kontekstong sosyo-politikal at proletaryadong internasyonal sa panahon ng Pandaigdigang Depresiyon (1929-1939). Gayundin ang kaniyang kinaharap na diskriminasyon at rasismo sa dayuhang bansa. Gayumpaman, sa kaliwa’t kanang pag-aaral ukol sa kaniyang buhay at kaisipan, na pawang itinuon at pinagkaabalahan ng mga nahihirati sa Marxismo, Sosyalismo, panitikan, at iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  21. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  23. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  24. Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan: Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (1):58-79.
    Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  25. Panimulang Pagbabalangkas sa Ugnayan/Pagkaka-Ugnay ng Panlasang Kapilipinuhan sa mga Piling Pagkaing Natikman sa Ibayong Dagat ng Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4 (1):1-45.
    It is quintessential to be acquainted with the complex cultural linkages between a nation and the globalized world— notably, the Philippines as a part of the Southeast Asian Region. The study centers on Filipino cuisine, academization, and its affinities. We may regard the concept of food and the act of partaking in it (i.e., eating) as mundane and ubiquitous in a way. Instead, we must view food and subsistence as a crucial part of cultural and historical inquiry. Some social scientists (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   3 citations  
  26. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  27. Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19.John Adrianfer Atienza - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):123-164.
    Saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa panaka-nakang pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan. Isinaad na pangunahing sanhi ng malaking kabawasan sa bilang ng tao ay ang pagdapo at paglaganap ng sakit, tulad ng kolera sa kapuluan sa mga taong nabanggit. Kaalinsabay ng pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan, nasaksihan din sa kasagsagan ng dantaon ang malawakang pag-unlad ng agham na ginamit ng mga Espanyol bilang kanilang kalamangan sa hakbang ng kolonisasyon. Gayunman, hindi maitatatwa na nagdulot din ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  28. Ang Ma’i bilang Bay: Isang Muling Pagbasa at Pagtatasa.Jolan Saluria - 2024 - Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong e-Journal Sa Araling Pilipino 9 (1):126-143.
    Ang papel na ito ay komentaryo sa artikulong—Ma'I in Chinese Records—Mindoro or Bai? An Examination of a Historical Puzzle ni Go Bon Juan. Layunin ng pag-aaral na ito na lumikha ng isang mapanglagom at preliminaryong pagbasa sa Ma’i bilang isang suliraning historiograpikal. Sa muling pagbasang ito ay pagtutuunan ng pansin ang maikling pagbaybay sa historiograpiya nito na susundan naman ng interogasyon at pagbibigay kritik sa kamakailang pag-aaral dito ni Go Bon Juan at mga suliraning kinakaharap ng kaniyang interpretasyon na umiinog (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  29. Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw.Mark Joseph Santos - 2022 - Dalumat E-Journal 8 (1):68-91.
    Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  30. Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  31. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna.Axle Christien Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118.
    Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  32. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  33. Phyto-assessment of Soil Heavy Metal Accumulation in Tropical Grasses.Chuck Chuan Ng - 2016 - Journal of Animal and Plant Science 26 (3):686-696.
    Tropical grasses are fast growing and often used for phytoremediation. Three different types of tropical grasses: Vetiver (V. zizanoides), Imperata (I. cylindrical) and Pennisetum (P. purpureum) tested in different growth media of spiked heavy metal contents under the glasshouse environment of RimbaIlmu for 60-day. The growth performance, metals tolerance and phyto-assessment of cadmium (Cd), lead (Pb), zinc (Zn) and copper (Cu) in shoots and roots were assessed using flame atomic absorption spectrometry (FAAS).Tolerance index (TI), translocation factor (TF), biological accumulation coefficient (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  34. Heavy metals phyto-assessment in commonly grown vegetables: water spinach (I. aquatica) and okra (A. esculentus).Chuck Chuan Ng - 2016 - Springerplus 1 (5):469.
    The growth response, metal tolerance and phytoaccumulation properties of water spinach (Ipomoea aquatica) and okra (Abelmoschus esculentus) were assessed under different contaminated spiked metals: control, 50 mg Pb/kg soil, 50 mg Zn/kg soil and 50 mg Cu/kg soil. The availability of Pb, Zn and Cu metals in both soil and plants were detected using flame atomic absorption spectrometry. The concentration and accumulation of heavy metals from soil to roots and shoots (edible parts) were evaluated in terms of translocation factor, accumulation (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  35. Effects of Different Soil Amendments on Mixed Heavy Metals Contamination in Vetiver Grass.Chuck Chuan Ng - 2016 - Bulletin of Environmental Contamination and Toxicology 97:695-701.
    Three different types of low cost soil amendments, namely, EDTA, elemental S and N-fertilizer, were investigated with Vetiver grass, Vetiveria zizanioides (Linn.) Nash growing under highly mixed Cd–Pb contamination conditions. A significant increase (p < 0.05) in Cd and Pb accumulation were recorded in the shoots of all EDTA and N-fertilizer assisted treatments. The accumulation of Cd in 25 mmol EDTA/kg soil and 300 mmol N/kg soil showed relatively higher translocation factor (1.72 and 2.15) and percentage metal efficacy (63.25 % (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  36. Tolerance Threshold and Phyto-assessment of Cadmium and Lead in Vetiver Grass, Vetiveria zizanioides (Linn.) Nash.Chuck Chuan Ng - 2017 - Chiang Mai Journal of Science 44 (4):1367-1378.
    Various types of plant species have been extensively used for heavy metals phyto-remediation without taking into consideration its tolerance threshold. In this study, Vetiver grass, Vetiveria zizanioides (Linn.) Nash was evaluated under five different sets of contaminated spiked cadmium (5Cd, 10Cd, 50Cd, 100Cd and 150Cd mg/kg) and lead (50Pb, 100Pb, 200Pb, 400Pb and 800Pb mg/kg) concentration levels in soil. The growth performance, metal tolerance and phyto-assessment of Cd and Pb in the roots and tillers were assessed using flame atomic absorption (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  37. Producers’ perceptions of public good agricultural practices and their pesticide use: The case of MyGAP for durian farming in Pahang, Malaysia.Chuck Chuan Ng - 2017 - Asian Journal of Agriculture and Rural Development 7 (1):1-16.
    This paper investigates the local implementation of Malaysian public GAP standard called MyGAP by examining its effectiveness in raising the awareness and improving the pesticide use practices of participant smallscale farmers toward better food safety and quality assurance. For this objective, 19 MyGAP certified and 57 uncertified durian farms in the state of Pahang, Malaysia were surveyed. The research found that certified farm managers have a much better understanding of the basic intent of the policy than uncertified farms, reflecting the (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  38. Phyto-evaluation of Cd-Pb Using Tropical Plants in Soil-Leachate Conditions.Chuck Chuan Ng - 2018 - Air, Soil and Water Research 11 (1):1-9.
    Sources of soil contamination can exist in various types of conditions including in the form of semifluids. In this study, 3 different types of tropical plants, Acacia (Acacia mangium Willd), Mucuna (Mucuna bracteata DC. ex Kurz) and Vetiver (Vetiveria zizanioides L. Nash), were tested under different levels of soil-leachate conditions. The relative growth rate, metal tolerance, and phytoassessment of cadmium (Cd) and lead (Pb) accumulation in the roots and shoots were determined using flame atomic absorption spectrometry. Tolerance index, translocation factor, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  39. Each Thing a Thief: Walter Benjamin on the Agency of Objects.Julia Ng - 2011 - Philosophy and Rhetoric 44 (4):382-402.
    "I have a tree, which grows here in my close, / That mine own use invites me to cut down, / And shortly I must fell it" (Shakespeare 2001, 168)—Timon's lament, which in Shakespeare's rendition occurs shortly before its utterer's demise "upon the beached verge of the salt flood" (2001, 168) beyond the perimeter of Athens, is an indictment of the nature that Timon finds unable to escape. Having given away his wealth in misguided generosity to a host of parasitic (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  40. Acts of Time: Cohen and Benjamin on Mathematics and History.Julia Ng - 2017 - Paradigmi. Rivista di Critica Filosofica 2017 (1):41-60.
    This paper argues that the principle of continuity that underlies Benjamin’s understanding of what makes the reality of a thing thinkable, which in the Kantian context implies a process of “filling time” with an anticipatory structure oriented to the subject, is of a different order than that of infinitesimal calculus—and that a “discontinuity” constitutive of the continuity of experience and (merely) counterposed to the image of actuality as an infinite gradation of ultimately thetic acts cannot be the principle on which (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  41. Questioning Hegemony Within White Academia.Asma Mehan, Carolina Lima, Faith Ng’eno & Krzysztof Nawratek - 2022 - Field 8 (1):47-61.
    field: Issue 8 Embodying an Anti-Racist Architecture comprises essays, articles, podcasts, drawings, designs, the cover image, and a film. ‘This Call to Action' is a document borne from dialogue, and as such derives its power from the activism that collaboration and cooperation engender. -/- Asma Mehan, Carolina Lima, Faith Ng’eno, and Krzysztof Nawratek discuss white hegemony across different geopolitical and academic spaces, mindful of the nuances of using English as their shared yet borrowed language. -/- .
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  42.  71
    Advancements in microbial-mediated radioactive waste bioremediation: A review.Chuck Chuan Ng - 2024 - Journal of Environmental Radioactivity 280 (December 2024):107530.
    The global production of radioactive wastes is expected to increase in the coming years as more countries have resorted to adopting nuclear power to decrease their reliance on fossil-fuel-generated energy. Discoveries of remediation methods that can remove radionuclides from radioactive wastes, including those discharged to the environment, are therefore vital to reduce risks-upon-exposure radionuclides posed to humans and wildlife. Among various remediation approaches available, microbe-mediated radionuclide remediation have limited reviews regarding their advances. This review provides an overview of the sources (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  43. Accumulation of potentially toxic elements in fourfinger threadfin (Eleutheronema tetradactylum) and black pomfret (Parastromateus niger) from Selangor, Malaysia.Chuck Chuan Ng - 2024 - Environmental Monitoring and Assessment 196 (382).
    The accumulation of potentially toxic elements (PTEs) has raised public awareness due to harmful contamination to both human and marine creatures. This study was designed to determine the concentration of copper (Cu), zinc (Zn), cadmium (Cd), and nickel (Ni) in the intestine, kidney, muscle, gill, and liver tissues of local commercial edible fish, fourfinger threadfin (Eleutheronema tetradactylum), and black pomfret (Parastromateus niger) collected from Morib (M) and Kuala Selangor (KS). Among the studied PTEs, Cu and Zn were essential elements to (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  44. ‘+1’: Scholem and the Paradoxes of the Infinite.Julia Ng - 2014 - Rivista Italiana di Filosofia del Linguaggio 8 (2):196-210.
    This article draws on several crucial and unpublished manuscripts from the Scholem Archive in exploration of Gershom Scholem's youthful statements on mathematics and its relation to extra-mathematical facts and, more broadly, to a concept of history that would prove to be consequential for Walter Benjamin's own thinking on "messianism" and a "futuristic politics." In context of critiquing the German Youth Movement's subsumption of active life to the nationalistic conditions of the "earth" during the First World War, Scholem turns to mathematics (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  45. Kant's Theory of Experience at the End of the War: Scholem and Benjamin Read Cohen.Julia Ng - 2012 - Modern Language Notes 127 (3):462-484.
    At the end of one side of a manuscript entitled “On Kant” and housedin the Scholem Archive in Jerusalem, one reads the following pro-nouncement: “it is impossible to understand Kant today.” 1 Whatever it might mean to “understand” Kant, or indeed, whatever “Kant” is heremeant to be understood, it is certain, according to the manuscript,that such understanding cannot come about by way of purporting tohave returned to or spoken in the name of “Kant.” For “[t]oday,” sothe document begins, “there are (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  46. Optimisation of mixed proportion for cement brick containing plastic waste using response surface methodology (RSM).Chuck Chuan Ng - 2022 - Innovative Infrastructure Solutions 7.
    Plastic waste is a significant environmental problem for almost all countries; therefore, protecting the environment from the problem is crucial. The most sensible solution to these problems is substituting the natural aggregates with substantial plastic waste in various building materials. This study aimed to optimise the mixed design ratio of cement brick containing plastic waste as aggregate replacement. Plastic cement brick mixtures were prepared by the incorporation of four different types of plastic waste such as polyethylene terephthalate (PET), high-density polyethylene, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  47. Phytoassessment of Vetiver grass enhanced with EDTA soil amendment grown in single and mixed heavy metal–contaminated soil.Chuck Chuan Ng - 2019 - Environmental Monitoring and Assessment 191 (434):1-16.
    Over the years, ethylene-diamine-tetra-acetate (EDTA) has been widely used for many purposes. However, there are inadequate phytoassessment studies conducted using EDTA in Vetiver grass. Hence, this study evaluates the phytoassessment (growth performance, accumulation trends, and proficiency of metal uptake) of Vetiver grass, Vetiveria zizanioides (Linn.) Nash in both single and mixed heavy metal (Cd, Pb, Cu, and Zn)—disodium EDTA-enhanced contaminated soil. The plant growth, metal accumulation, and overall efficiency of metal uptake by different plant parts (lower root, upper root, lower (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  48. Moral-Dilemma Judgments.Bertram Gawronski, Nyx Ng & Michael T. Dale - forthcoming - In Simon Laham (ed.), Handbook of Ethics and Social Psychology. Cheltenham, UK: Edward Elgar Publishing.
    The current chapter provides an overview of research on responses in moral dilemmas where maximization of outcomes for the greater good (utilitarianism) conflicts with adherence to moral norms (deontology). Expanding on a description of the traditional paradigm to study moral-dilemma judgments (i.e., the trolley problem), the chapter reviews the most prominent dual-process account of moral-dilemma judgments, normative conclusions that have been derived from this account, and criticisms raised against this line of work. The following sections review advances in the development (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  49. Chapter 7: Climate Education for Women and Youth.Chuck Chuan Ng - 2021 - Washington D.C.: Global Youth Climate Network (GYCN).
    CLIMATE EDUCATION FOR WOMEN AND YOUTH Around the world, people still lack basic awareness and understanding of the drivers and impact of climate change, as well as options for reducing carbon emissions and adapting to the climate change impacts. In addition, climate change impacts are not equally distributed. Gender inequalities and development gaps increase the impacts of climate change for women and young people. Driving climate action through educating and empowering women and youth could lead to building resilience within communities. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  50. E-waste Toolkit in Southeast Asia.Chuck Chuan Ng - 2022 - Edited by Chuck Chuan Ng.
    E-waste is one of the most pressing challenges of our time, yet it is often ignored, especially in Southeast Asia. The “tsunami of e-waste” in the region has been putting our lives and our environment at risk. With the extensive use of electrical and electronic devices, we are also contributing to harming the environment and quickening the climate change by producing and discarding e-waste. Youths are among major users of electronic devices, and hunger for upgraded and newer versions. -/- However, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
1 — 50 / 160