Results for 'Kasaysayang Pampook'

9 found
Order:
  1. Ang Bayan ng Tagagiik: Isang Kasaysayang Pampook.Jolan Saluria - 2024 - Cainta: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Primaryang naisakatuparan sa akdang ito ang gawain ng "pagpapahaba sa panahon" sa pamamagitan ng pananangkapan sa iba pang mga mapagkukuhanang datos na lampas sa mga batis na tradisyunal. Malaking tulong ang naging utilisasyon ng may-akda sa mga disiplina ng arkeyolohiya, anthropolohiya, linggwistika, at iba pa na kahima't hindi bahagi ng pormal na pagsasanay ay nakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim sa pag-aaral. Ito ay upang mailayo ang pagsasakasaysayan ng Taguig sa mapaglimitang hangganan na tinatakda ng historisismo-positibistikong nosyon ng pagsasakasaysayan. At sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño.Axle Christien Tugano - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):48-90.
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Taliwas dito, itinatampok sa pag-aaral na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  3. Wala ed Pusok so Pangasinan, Adadtoy Pusok iti Pangasinan, Pangasinan is in the Heart: Si Carlos S. Bulosan (1913-1956) sa Konteksto ng Kasaysayang Pangasinense.Axle Christien Tugano - 2024 - Lakandayang Journal of Cultural Studies 1 (1):68-91.
    Kilala si Carlos Bulosan (1913-1956), higit sa lahat ang kaniyang isinulat na semi-autobiograpiya na America is in the Heart (1946), kung saan kaniyang ipinamalas ang karanasan bilang isang lider-manggagawa sa Estados Unidos sa kontekstong sosyo-politikal at proletaryadong internasyonal sa panahon ng Pandaigdigang Depresiyon (1929-1939). Gayundin ang kaniyang kinaharap na diskriminasyon at rasismo sa dayuhang bansa. Gayumpaman, sa kaliwa’t kanang pag-aaral ukol sa kaniyang buhay at kaisipan, na pawang itinuon at pinagkaabalahan ng mga nahihirati sa Marxismo, Sosyalismo, panitikan, at iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  8. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation