Switch to: References

Add citations

You must login to add citations.
  1. Pagsasaespasyo at pagpopook sa mga pagkaing pilipino sa new south wales, australia.Axle Christien Tugano - 2021 - Social Sciences and Development Review 13 (1):119-158.
    Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas o lalagpas sa padrong kinasanayang tumuon at kumiling sa usapin ng diplomasya, politikal, at iba pang usaping pang-estado-sa-estado at nasyon-sa-nasyon –na kung saan napag-iwanan at hindi gaanong nabibigyang tinig at tuon ang halagahin ng taumbayan sa kabuoan. Ang ganitong pamamayani ng Kanluraning pananaw ng Area Studies at Regionalism Studies ay sumasagka sa pagpapalitaw ng kaakuhang makaPilipino-Asyano. Kaya naman upang itaas ang taumbayan, pinahahalagahan sa pag-aaral (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  • Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  • Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing pagsulat, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark