Results for 'Guro Løseth'

7 found
Order:
  1. Ang Pagtatagpo ng Noli Me Tangere at Telebisyon: Batayan sa Mungkahing Gabay ng Guro (Teacher’s Guide).Jell Vicor P. Opeña - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (3):140-160.
    Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide) bilang kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Gamit ang deskriptibong pananaliksik, natuklasan na 81% ng mga guro ang nagsabing makatutulong ang paglikha ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide). Ayon naman sa 95% ng mga mag-aaral, nararapat isama ang mga gawaing kaugnay ng panonood upang mas maging interaktibo at epektibo ang pagkatuto ng nabanggit panitikan. Batay sa mga inilahad na kinalabasan, nabatid ng mananaliksik na malaking bahagdan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  3. Estado ng Edukasyong Pansining BIswal sa mga Piling Pamantasan sa PIlipinas.Joseph Reylan Viray, Jun Badie, Crislie Unabia & Lailanie Gutierrez - manuscript
    Ang kolektibong sanaysay na ito ay nagtatasa sa kalagayan at estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas. Sakop ng papel ang mga sumusunod na paaralan: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle-Lipa, Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology, at Notre Dame of Marbel University. Dalawang tanong ang tinangkang sagutin ng papel: Una, ano ang estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas? Pangalawa, ano-ano ang mga posibleng solusyon sa mga suliranin na nakahahadlang sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.
    Isang patuloy na hamon sa wikang Filipino at sa mga gumagamit nito sa panahon ng pandemya ang pagpapayabong ng kultura ng saliksik. Sa kabila ng iba’t ibang modalidad ng pagkatuto ng mag-aaral, tinukoy ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng guro sa pagtuturo ng Pananaliksik gayundin naitala ang kanilang karanasan at natukoy ang hamon at suliranin na kanilang kinaharap. Penomenolohikal na pagsusuri ang disenyong ginamit sa pag-aaral na tumuon sa pagsukat at pag-aanalisang tematiko ng mga tugon. Inilahad ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
    Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, na tumutuon ng pansin sa wika at panitikan. Bahagi ng usaping pampanitikan ang iba’t ibang halimbawa nito, magmula sa maikling kuwento, kuwentong-bayan, tula, epiko at marami pang iba. Layunin ng pag-aaral na: (1) matuklasan ang nararapat na halimbawang kuwentong-bayan na maaaring maging karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa sekondarya sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo, (2) malaman ang uri ng kagamitang pampagtuturo na paglalapatan ng nasabing kuwentong-bayan batay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark