Results for 'Unang Mulkhan'

9 found
Order:
  1.  73
    Mahinungdanong Kabilin: Ang Panghunahuna ni Jose Maria Sison (A Significant Legacy: The Jose Maria Sison Thought).Regletto Aldrich Imbong - 2024 - Aguipo Global South Journal 3:51-66.
    Kining papel mobatbat sa lima ka mga mahinungdanong kabilin ni Jose Maria Sison nga mao ang mga mosunod: una, pagpaduso sa usa ka anti-rebisyonistang baroganan; ikaduha, pagpalambo sa teorya sa malanatong gubat sa katawhan ni Mao Zedong; ikatulo, pagpa-asdang sa Marxistang panglantaw mahitungod sa hisgotanang kalinaw; ikaupat, paghatag og Marxistang sukaranan sa tinuhuan o relihiyon isip pwersa sa katilingbanong kausaban; ug ikalima, ang pagpatin-aw sa papel sa burukrata kapitalismo isip tungtungan sa pasismo. Tumong niining papel ang padayong pagpahiluna ni Sison (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Mga Salik sa Pagkabigo ng Protestantismo na Lumaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kolonyalismong Amerikano.Mark Joseph Santos - 2023 - Yaman Digital History.
    Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino.Justine Inocando - 2024 - Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55.
    Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4.  66
    Wala ed Pusok so Pangasinan, Adadtoy Pusok iti Pangasinan, Pangasinan is in the Heart: Si Carlos S. Bulosan (1913-1956) sa Konteksto ng Kasaysayang Pangasinense.Axle Christien Tugano - 2024 - Lakandayang Journal of Cultural Studies 1 (1):68-91.
    Kilala si Carlos Bulosan (1913-1956), higit sa lahat ang kaniyang isinulat na semi-autobiograpiya na America is in the Heart (1946), kung saan kaniyang ipinamalas ang karanasan bilang isang lider-manggagawa sa Estados Unidos sa kontekstong sosyo-politikal at proletaryadong internasyonal sa panahon ng Pandaigdigang Depresiyon (1929-1939). Gayundin ang kaniyang kinaharap na diskriminasyon at rasismo sa dayuhang bansa. Gayumpaman, sa kaliwa’t kanang pag-aaral ukol sa kaniyang buhay at kaisipan, na pawang itinuon at pinagkaabalahan ng mga nahihirati sa Marxismo, Sosyalismo, panitikan, at iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. MAY PUWANG KA PA BA?: PAGGALUGAD SA SALOOBIN HINGGIL SA PAGGAMIT NG FILIPINO SA MGA PILING ASIGNATURA NG GEC (GENERAL EDUCATION CURICULUM).Alfredo D. Trinidad - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nararapat lamang na malinang nang lubusan ng mga tagapagturong may sapat na kasanayan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pagsusuring palarawan, upang malinaw na makita ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino sa paraan na pagpapahayag ng kanilang saloobin. Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Filipino sa mga piling asignatura ng GEC (General Education Subject) kabilang dito (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark