Results for 'Pantayong Pananaw''

19 found
Order:
  1. Pantayong Pananaw: Kakaliwa, Kakanan o Didiretso?Mark Joseph Santos - 2021 - In Wensley Reyes & Alvin Campomanes (eds.), Pantayong Pananaw at Paninindigang Pulitikal. Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 88-96.
    Pantayong Pananaw: Kakaliwa, Kakanan o Didiretso?
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. Salazar.Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutulungang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  5. Ang mga Diskurso ng Araling Pilipino na Umiiral sa mga Artikulo ng Malay Journal (The Discourses of Philippine Studies in the Articles of Malay Journal).Leslie Anne L. Liwanag, May L. Mojica & F. P. A. Demeterio Iii - 2019 - Mabini Review 8:1-38.
    This paper is founded on the assumption that Philippine Studies has five different discouses: 1) Philippine studies as a neutral discourse; 2) colonial Philippine studies as a discourse that is based on western power and reinforces such power; 3) generic postcolonial Philippine studies as a discourse that critiques western hegemony; 4) Pilipinolohiya as a specific postcolonial discourse that was inaugurated by Prospero Covar; and 5) pantayong pananaw as another specific postcolonial discourse that was inaugurated by Zeus Salazar. Malay Journal, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang signature (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  7. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8.  90
    Ang Bayan ng Tagagiik: Isang Kasaysayang Pampook.Jolan Saluria - 2024 - Cainta: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Primaryang naisakatuparan sa akdang ito ang gawain ng "pagpapahaba sa panahon" sa pamamagitan ng pananangkapan sa iba pang mga mapagkukuhanang datos na lampas sa mga batis na tradisyunal. Malaking tulong ang naging utilisasyon ng may-akda sa mga disiplina ng arkeyolohiya, anthropolohiya, linggwistika, at iba pa na kahima't hindi bahagi ng pormal na pagsasanay ay nakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim sa pag-aaral. Ito ay upang mailayo ang pagsasakasaysayan ng Taguig sa mapaglimitang hangganan na tinatakda ng historisismo-positibistikong nosyon ng pagsasakasaysayan. At sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw.Mark Joseph Santos - 2022 - Dalumat E-Journal 8 (1):68-91.
    Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao.Noel Pariñas - 2024 - Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy 1 (Special Issue):163-179.
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Mabini Review 10 (1):85-101.
    Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapatriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  15. Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2024 - Mabini Review 13 (1):267-280.
    Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. APENDISE II; Pagtatampok sa akademikong rebyu ng mga aklat ng saliksik e-journal: Mga daloy at tunguhin sa talastasang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan Inc..
    Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri, at pag-apuhap ng mga kaalaman mula sa binasang mga (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark