Results for 'Tala Chulak-Bozzer'

21 found
Order:
  1. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  3. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing pagsulat, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. XVI Brazilian Logic Conference (EBL 2011).Walter Carnielli, Renata de Freitas & Petrucio Viana - 2012 - Bulletin of Symbolic Logic 18 (1):150-151.
    This is the report on the XVI BRAZILIAN LOGIC CONFERENCE (EBL 2011) held in Petrópolis, Rio de Janeiro, Brazil between May 9–13, 2011 published in The Bulletin of Symbolic Logic Volume 18, Number 1, March 2012. -/- The 16th Brazilian Logic Conference (EBL 2011) was held in Petro ́polis, from May 9th to 13th, 2011, at the Laboratório Nacional de Computação o Científica (LNCC). It was the sixteenth in a series of conferences that started in 1977 with the aim of (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño.Axle Christien Tugano - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):48-90.
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Taliwas dito, itinatampok sa pag-aaral na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  6. Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19.John Adrianfer Atienza - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):123-164.
    Saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa panaka-nakang pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan. Isinaad na pangunahing sanhi ng malaking kabawasan sa bilang ng tao ay ang pagdapo at paglaganap ng sakit, tulad ng kolera sa kapuluan sa mga taong nabanggit. Kaalinsabay ng pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan, nasaksihan din sa kasagsagan ng dantaon ang malawakang pag-unlad ng agham na ginamit ng mga Espanyol bilang kanilang kalamangan sa hakbang ng kolonisasyon. Gayunman, hindi maitatatwa na nagdulot din ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Katawang Babae at ang Imahenaryo ng Nasyon.Roland Macawili - 2020 - Tala: An Online Journal on History 3 (1):80-98.
    Karaniwang itinuturing si Jose Rizal bilang tagapanguna ng paninindigan sa karapatan ng babae sa Asya. Eksplisito itong ipinahayag ng pambansang heroé sa pamamagitan ng kanyang liham sa mga kababaihan ng Malolos. Ang mga prinsipyong isinulong dito ni Rizal, ayon kay Lilia Quindoza-Santiago, ay nagtataglay ng mga implikasyon sa kilusang kababaihan sa bansa. Maliban sa liham na nabanggit, mapagkukunan din ng interpretasyon ang ilang babaeng tauhan ni Rizal sa kanyang mga nobela. Ilang bagay ang dapat itanong: habang kritikal nga si Rizal (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Tungo sa Isang Pilosopiya ng Ginhawa.Roland Macawili - 2023 - Talas: Interdisiplinaryong Journal Sa Edukasyong Pangkultura 7:88-112.
    Ang papel na ito ay isang pagtatangka ng paghahawan ng landas tungo sa potensyal ngginhawa bilang isang konseptong kultural-pilosopikal. Gagawin ang paghahawan mula sapagtititistis ng ilang datos mula sa kasaysayan, kultura at maging sa wikang Filipino. Nahahatiang papel sa dalawang bahagi: una, ang talakay sa lagay ng Pilosopiyang Pilipino; pangalawaang pagbubulaybulay tungkol sa ginhawa bilang konsepto, sa aspektong historikal, politiko-ekonomiko, at linggwistiko.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad ay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan: Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (1):58-79.
    Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna.Axle Christien Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118.
    Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa.Axle Christien Tugano - 2018 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75.
    Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  18. Panimulang Pagbabalangkas sa Ugnayan/Pagkaka-Ugnay ng Panlasang Kapilipinuhan sa mga Piling Pagkaing Natikman sa Ibayong Dagat ng Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4 (1):1-45.
    It is quintessential to be acquainted with the complex cultural linkages between a nation and the globalized world— notably, the Philippines as a part of the Southeast Asian Region. The study centers on Filipino cuisine, academization, and its affinities. We may regard the concept of food and the act of partaking in it (i.e., eating) as mundane and ubiquitous in a way. Instead, we must view food and subsistence as a crucial part of cultural and historical inquiry. Some social scientists (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   3 citations  
  19. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa ganitong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  20. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  21. Tayabas City Colonial Era Cemeteries: A Local Cultural Heritage Site.Arvin Ypil - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):52-87.
    The main purpose of this study is to revisit the backgrounds and problems of the colonial-era cemeteries in Tayabas, Quezon, and analyze their potential as local cultural heritage sites. Data for this study was collected through walk surveys and documentation of the intended heritage sites. The findings of the study indicated the rich historical background as well as the existence of potential heritage structures in the cemeteries. Finally, it is deemed that these cemeteries and their adjoining colonial-era burial structures must (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark