Results for 'Hiromi Nito'

25 found
Order:
  1.  96
    Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2024 - Mabini Review 13 (1):267-280.
    Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino.Justine Inocando - 2024 - Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55.
    Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3.  81
    Ang Ma’i bilang Bay: Isang Muling Pagbasa at Pagtatasa.Jolan Saluria - 2024 - Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong e-Journal Sa Araling Pilipino 9 (1):126-143.
    Ang papel na ito ay komentaryo sa artikulong—Ma'I in Chinese Records—Mindoro or Bai? An Examination of a Historical Puzzle ni Go Bon Juan. Layunin ng pag-aaral na ito na lumikha ng isang mapanglagom at preliminaryong pagbasa sa Ma’i bilang isang suliraning historiograpikal. Sa muling pagbasang ito ay pagtutuunan ng pansin ang maikling pagbaybay sa historiograpiya nito na susundan naman ng interogasyon at pagbibigay kritik sa kamakailang pag-aaral dito ni Go Bon Juan at mga suliraning kinakaharap ng kaniyang interpretasyon na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang signature (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  5. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  6. Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.
    Isang patuloy na hamon sa wikang Filipino at sa mga gumagamit nito sa panahon ng pandemya ang pagpapayabong ng kultura ng saliksik. Sa kabila ng iba’t ibang modalidad ng pagkatuto ng mag-aaral, tinukoy ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng guro sa pagtuturo ng Pananaliksik gayundin naitala ang kanilang karanasan at natukoy ang hamon at suliranin na kanilang kinaharap. Penomenolohikal na pagsusuri ang disenyong ginamit sa pag-aaral na tumuon sa pagsukat at pag-aanalisang tematiko ng mga tugon. Inilahad ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
    Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  10. Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
    Ang mga pelikula ng viva max ay namayagpag mula ng magkaroon ng lockdown sa Pilipinas. Sa yugtong ito, nagpalabas ang viva films ng mga pelikula sa pamamagitan ng aplikasyong viva max. Sa panonood ng mga pelikula rito, kailangan mag-subscribe ng manonood. Ang pinakamababng subscription nito ay 149.00. Sa plan na ito, isang buwan ng makakapanood ang subscriber ng lahat ng pelikula ng viva max. Nilalayon ng pananaliksik na ito na talakayin ang kalagayan ng kababaihang gumaganap sa mga piling pelikula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
    Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, na tumutuon ng pansin sa wika at panitikan. Bahagi ng usaping pampanitikan ang iba’t ibang halimbawa nito, magmula sa maikling kuwento, kuwentong-bayan, tula, epiko at marami pang iba. Layunin ng pag-aaral na: (1) matuklasan ang nararapat na halimbawang kuwentong-bayan na maaaring maging karagdagang kagamitang pampagtuturo at pagkatuto para sa mga guro at mag-aaral sa sekondarya sa Silangang Distrito sa bayan ng Labo, (2) malaman ang uri ng kagamitang pampagtuturo na paglalapatan ng nasabing kuwentong-bayan batay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1):120-161.
    Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  14. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. Diaspolove: Isang pagsusuring tipolohikal sa mga pelikula ni olivia m. lamasan ukol sa hanapbuhay at pag-ibig.Axle Christien Tugano - 2023 - Philippine Women's University Research Journal 10 (2):1-27.
    Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at inspirasyon ng mga kumatha at higit sa lahat, ang pananalamin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
    Ang mga kwentong Jollibee na dinalumat ng mananaliksik ay binubuo ng tatlumpot-siyam (39) na mga kwentong hango sa totoong buhay. Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang mga konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee sa paraang panghihikayat sa madla gamit ang advertising. Layunin nito na mailahad ang kaugnayan ng konseptong AIDA sa mga kwentong binibigyang tampok ng Jollibee sa iba’t ibang selebrasyon mula sa taong 2016-2022. Kaya naman gumamit ng metodong pagsusuri ng dokumento (document analysis), at thematic analysis ang mananaliksik. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad ay (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
    Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, karanasan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. Pag-Ukad at Paglilirip: Masusing Pag-Aaral sa Ibat-Ibang Form ng Nawn Preys sa Isla ng Biri.Gina Bernaldez Araojo, Angelica Bruzola-Harris & Cynic Jazmin Tenedero - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):196-212.
    Ito ay pag-aaral sa ibat-ibang form ng nawn preys sa isla ng Biri, Northern Samar. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray. Inilimita lamang ang pagsusuring ito sa mga fityur at istraktyur ng nawn at mga konstityuwent na bumubuo sa nawn preys sa Biri-Waray. Ang analisis sa pag-aaral na ito ay ibinatay lamang mula sa nakalap na datos mula sa siyam na informant na nagmula sa walong (8) (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  21. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna.Axle Christien Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118.
    Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. Babae at Lalaki: Usaping Kasari-sarian sa Pangingisda (A Research in Social Anthropology Focused on Gender Roles in Fishing).Joanna Frances Isabelle Sajor - 2019 - University of the Philippines Diliman.
    Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa munisipyo ng Mahatao na matatagpuan sa Isla ng Batan, probinsya ng Batanes. Karatig bayan nito ang Basco (kabisera ng probinsya) sa gawing timog. Binubuo ito ng apat na maliliit na barangay: Kaumbakan, Hañib, Panatayan, at Uvoy. Ang pangingisda ay isa lamang sa mga gawaing pangkabuhayan ng karamihan ng mamamayan na nakatira sa Mahatao gayundin ang kalahatan ng Batanes dahil sa malaki ang sakop ng anyong tubig na nakapalibot dito dagat na tanging makukuha (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  23. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  24. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  25. Pilosopiyang Pilipino sa Panahon ng Rehimeng Duterte.Beljun Enaya & F. P. A. Demeterio Iii - 2022 - Phavisminda Journal 21 (2022):118-154.
    Ang papel na ito ay isang kritikal na ulat tungkol sa pilosopiyang Pilipino sa panahon ng rehimeng Duterte. Sa pamamagitan ng Google Scholar tinukoy nito ang limang nangungunang Pilipinong pilosopo na sumuri sa nasabing rehimen: sina Christopher Ryan Maboloc, Regletto Aldrich Imbong, Tracy Llanera, Carlito Gaspar at Jude Raymun Festin. Kinilala nito ang nasabing limang pilosopo, at hinimay ang kani-kanilang pangkalahatang paninindigan kaugnay sa nasabing rehimen, isyung tinutukan, pilosopong kabalitaktakan, at pilosopong tinutungtungan. Sinuri din ng papel na ito (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark