Results for 'Pilipinas'

33 found
Order:
  1. Halalan Pilipinas: The Lived Experiences and Challenges Faced by Election Poll Watchers.Andrea Mae Santiago, Kyle Edson Santor, Gerald Villanueva, Galilee Jordan Ancheta, Jayra Blanco, Charles Brixter Sotto Evangelista, Liezl Fulgencio & Jhoselle Tus - 2023 - Psychology and Education: A Multidisciplinary Journal 7 (1):202-204.
    One of the main highlights from last year’s event was the 2022 Philippine National and Local Elections. The Philippine elections involve a lot of people interaction from poll workers and other deputized agencies. Further, this study explores the lived experiences, challenges, and coping mechanisms of poll watchers during the 2022 Philippine election. Employing the Interpretative Phenomenological Analysis, the findings of this study were: (1) Filipino workers value a good-paying job and preferred meaningful work. (2) Amidst the experiences and challenges, the (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  4. Estado ng Edukasyong Pansining BIswal sa mga Piling Pamantasan sa PIlipinas.Joseph Reylan Viray, Jun Badie, Crislie Unabia & Lailanie Gutierrez - manuscript
    Ang kolektibong sanaysay na ito ay nagtatasa sa kalagayan at estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas. Sakop ng papel ang mga sumusunod na paaralan: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle-Lipa, Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology, at Notre Dame of Marbel University. Dalawang tanong ang tinangkang sagutin ng papel: Una, ano ang estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas? Pangalawa, ano-ano ang mga posibleng solusyon sa mga suliranin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Mga Salik sa Pagkabigo ng Protestantismo na Lumaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kolonyalismong Amerikano.Mark Joseph Santos - 2023 - Yaman Digital History.
    Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal.Fame Pascua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University Center for Philippine Studies 1 (1):116-126.
    Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan at pagsulong kanilang laban para sa kalayaan. At sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan, si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang ito ay sinikap ding mabigyang resiprokasyon ng mga Pilipino. Ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Kasaklawan ng diskursong pangturismo sa Pilipinas: Isang pundamental na pagsusuri sa paglalakbay.Axle Christien Tugano - 2024 - Philippine Women's University Research Journal 11 (1).
    Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maipasok sa talastasang F/Pilipino ang usapin ng turismo at paglalakbay na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa.Axle Christien Tugano - 2018 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75.
    Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  10. Tracer Study sa mga Nagsipagtapos ng Master ng Artes sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (2017-2020).Romeo Peña, Nell Buenaventura, Ian Jay Formacion & Roan Jessa Dino - 2022 - Education Review 11 (1):1-33.
    This research primarily identified the current employment profile of the graduates of Master of Arts in Filipino of Polytechnic University of the Philippines (2017-2020). Specifically, it sought to determine the progress on their professional status and the relevance of institutional and academic factors to it. This descriptive study utilized purposive sampling and involved an iterative process of frequency distribution, percentage, rank, and average weighted mean. This study found out that the majority of the respondents: are currently employed before and after (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
    Ang mga pelikula ng viva max ay namayagpag mula ng magkaroon ng lockdown sa Pilipinas. Sa yugtong ito, nagpalabas ang viva films ng mga pelikula sa pamamagitan ng aplikasyong viva max. Sa panonood ng mga pelikula rito, kailangan mag-subscribe ng manonood. Ang pinakamababng subscription nito ay 149.00. Sa plan na ito, isang buwan ng makakapanood ang subscriber ng lahat ng pelikula ng viva max. Nilalayon ng pananaliksik na ito na talakayin ang kalagayan ng kababaihang gumaganap sa mga piling pelikula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
    Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  16. Ciencia Colonial, Facultad de Medicina y Farmacia at Edukasyong Medikal: Kolonyal na Tugon sa Suliranin sa Sakit, Dantaon 19.John Adrianfer Atienza - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):123-164.
    Saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa panaka-nakang pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan. Isinaad na pangunahing sanhi ng malaking kabawasan sa bilang ng tao ay ang pagdapo at paglaganap ng sakit, tulad ng kolera sa kapuluan sa mga taong nabanggit. Kaalinsabay ng pagbaba’t pagtaas ng populasyon sa kapuluan, nasaksihan din sa kasagsagan ng dantaon ang malawakang pag-unlad ng agham na ginamit ng mga Espanyol bilang kanilang kalamangan sa hakbang ng kolonisasyon. Gayunman, hindi maitatatwa na nagdulot din ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Ang Anotadong Salin ng Akdang Ang Maikling Maikling Kasaysayan ng Kalookan.Wogie Pacala - 2023 - Tala: An Online Journal of History 6 (2):88-121.
    Ang akda ng yumaong si Leopoldo R. Serrano na pinamagatang A Brief History of Caloocan ang pinaka-unang malaliman at seryosong pagsusulat sa kasaysayan ng pamayanan sa isang publikasyon na inilibas ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas noong 1958. Ito rin ang naging batayan ng ilan pang mga aklat na inilabas patungkol sa kasaysayan ng lungsod, kaya masasabi rin na ito ang canon sa usaping ito. Naka-ilang ulit ang pagkakalimbag ng sanaysay na ito ni Serrano mula 1960 hanggang 1971. Sa kasamaang-palad (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  21. Pagsusuring Moral sa mga Pilíng Tagpo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.Clarissa Mae Paranas, Nixon Paul J. Sumaoang & Niña Jesusa G. Reyes - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):193-215.
    Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español. Ikinubli ni Rizal ang mga di-makatáong pagtrato ng mga Español sa mga itinuring na Indio sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga karakter sa kaniyang dalawang akda. Mula sa Teorya ng Moral na Pag-unlad (Theory of Moral Development) ng isang Amerikanong Sikolohistang si Lawrence Kohlberg ay sinuri ng papel na ito ang 10 (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  23. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  24. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  25. Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1):120-161.
    Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  26. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph P. Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  27. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  28. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  29. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  30. Mga Pangako ng Puso, Mga Sakripisyo ng Kamay: Imahen ng Estados Unidos Bilang Kanlungang Pilipino Batay sa mga Piling Pelikula ni Olivia Lamasan.Axle Christien Tugano - 2021 - Hasaan Journal 7 (1).
    Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasanayang pagtrato sa mga romantic movie ng mga Pilipino sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  31. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna.Axle Christien Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):31-118.
    Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  32. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  33. Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino.Mark Joseph Pascua Santos - 2022 - In Suring Supling: Kalipunan ng Rebyu ng mga Akdang Pambata sa Pilipinas. pp. 75-88.
    Mula pa lamang sa pagkabata ng babae’t lalaki, naitakda na ng lipunan ang kanilang mga gampanin, ang mga dapat nilang gawin, at ang mga dapat nilang iwasan. Kadalasang binibigyan ang mga batang lalaki ng bola, bisikleta, laruang sasakyan, baril-barilan, taotauhang sundalo, at iba pang mga bagay na humuhulma sa kanila upang maging maliksi at aktibo. Samantala, ang pangkaraniwan namang binibili para sa mga batang babae ay mga manyika, doll house, at mga laruang pangbahay-bahayan tulad ng laruang crib, washing machine, duyan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark