Results for 'Ginhawa, Pilosopiyang Pilipino, Kaluluwa, Austronesyano'

47 found
Order:
  1. Tungo sa Isang Pilosopiya ng Ginhawa.Roland Macawili - 2023 - Talas: Interdisiplinaryong Journal Sa Edukasyong Pangkultura 7:88-112.
    Ang papel na ito ay isang pagtatangka ng paghahawan ng landas tungo sa potensyal ngginhawa bilang isang konseptong kultural-pilosopikal. Gagawin ang paghahawan mula sapagtititistis ng ilang datos mula sa kasaysayan, kultura at maging sa wikang Filipino. Nahahatiang papel sa dalawang bahagi: una, ang talakay sa lagay ng Pilosopiyang Pilipino; pangalawaang pagbubulaybulay tungkol sa ginhawa bilang konsepto, sa aspektong historikal, politiko-ekonomiko, at linggwistiko.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Pilosopiyang Pilipino sa Panahon ng Rehimeng Duterte.Beljun Enaya & F. P. A. Demeterio Iii - 2022 - Phavisminda Journal 21 (2022):118-154.
    Ang papel na ito ay isang kritikal na ulat tungkol sa pilosopiyang Pilipino sa panahon ng rehimeng Duterte. Sa pamamagitan ng Google Scholar tinukoy nito ang limang nangungunang Pilipinong pilosopo na sumuri sa nasabing rehimen: sina Christopher Ryan Maboloc, Regletto Aldrich Imbong, Tracy Llanera, Carlito Gaspar at Jude Raymun Festin. Kinilala nito ang nasabing limang pilosopo, at hinimay ang kani-kanilang pangkalahatang paninindigan kaugnay sa nasabing rehimen, isyung tinutukan, pilosopong kabalitaktakan, at pilosopong tinutungtungan. Sinuri din ng papel na ito ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  3. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino ni Emmanuel De Leon. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Dalumat 7:79-83.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Ang Sarili at Pagkakasarinlan Tungo sa Kaganapan at Dekolonisasyon ng Pilosopiyang Pilipino.Justine Inocando - 2024 - Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy 10 (1):41-55.
    Pangunahing layunin ng papel na ito ang patunayan na mayroong konsepto ng sarili sa kamalayang Pilipino at gamitin ang pag-unawa rito sa pagtugon sa mga suliraning nakapalibot sa pilosopiyang Pilipino. Abala ang unang bahagi sa pagpapatibay ng pagkameron ng sarili at paglalahad ng depinisyon at mukha nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: “Mayroon bang Sarili?” at “Ano ang Sarili?” Nakatungtong ang pagpapatibay at paglalahad na ito sa metalinggwistikal na pagsusuri ni Leonardo Mercado at pagmumuni sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  7. Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan: Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (1):58-79.
    Founded upon ethnological studies on the concepts of ginhawa (well-being), hanapbuhay (livelihood), and himagsikan (revolution), the paper aims to provide an exploration on the possibility of a Filipino conceptualization of katarungang panlipunan (social justice) that is outside the bounds of Marxist theoretization. This essay insists that although Marxist theoretization of katarungang panlipunan is highly advanced, it is only one among many other possible versions of theorizing katarungang panlipunan. Since there is no concept that is possible to exist in the consciousness (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Ginhawa and the Interpretation of Colonialism.Roland Macawili - 2024 - Scientia: The International Journal on the Liberal Arts 13 (1):56-69.
    The majority of historians and teachers of history tend to believe that it was the Propaganda of the educated elite that led to the Philippine Revolution of 1896. Reynaldo Ileto already made a powerful critique on such perspective by analyzing the mentalité of the pobres y ignorantes, and showed that they indeed possessed a certain worldview that was far different from that of the Ilustrados of the Propaganda Movement. Ileto, however, remained within the limits of the Catholic ideology and its (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Mga Pangako ng Puso, Mga Sakripisyo ng Kamay: Imahen ng Estados Unidos Bilang Kanlungang Pilipino Batay sa mga Piling Pelikula ni Olivia Lamasan.Axle Christien Tugano - 2023 - Hasaan Journal 7 (1):41-73.
    Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasanayang pagtrato sa mga romantic movie ng mga Pilipino sa payak (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  10. Sakit ng Loob, Sakit ng Labas: Pagtutumbas sa mga Neolohismong Umusbong sa Kontemporanidad ng COVID-19 Tungo sa Pag-unawa ng Kasaysayan ng Ketong sa Patolohiyang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2020 - Katipunan Journal 6 (1):132-181.
    This article aims to highlight the resounding issue regarding the pandemic caused by COVID-19 in the Philippines. In hindsight, it seems that contemporary Filipinos treat its spread as a new and first disease that our society has experienced. It only reflects the inexhaustible study of Filipino pathology. So there is a tendency for the Filipino government to tarnish or not take the future pandemic seriously because apart from the lack of knowledge about pandemics, it is possible that our society does (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  11. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  12. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa ganitong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  13. Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
    Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino.Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos - 2022 - Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2):30-49.
    Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  15. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. Ang Retorika ng Rehimeng Duterte at ang Kulturang Pilipino: Isang Kasong Pag-aaral sa Pagbabanggaan ng Burukrasya at Kultura.Mark Joseph Santos - 2017 - Historical Bulletin 51:50-92.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2024 - Mabini Review 13 (1):267-280.
    Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  19. Amartya Sen’s Capability Approach in the Analysis of Pantawid Pamilyang Pilipino Program.Givheart Dano - 2022 - United International Journal for Research and Technology (Uijrt) 3 (10):33-42.
    What is new about poverty? A question that anyone can answer and mostly can validate it through life experiences. Poverty is a concern for everyone, so it is hoped that everyone will work to interfere. However, with the number of research on poverty in a global context, it is practically difficult to track how each country addresses global poverty on its own. Hence, poverty is broad as its concept is concerned. Poverty is a difficult concept to describe, especially because it (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Suring Supling: Panitikang Pambata bilang Kasangkapan ng Pagbabalik-loob sa Egalitaryong Sistema ng Sinaunang Pamayanang Pilipino.Mark Joseph Pascua Santos - 2022 - In Suring Supling: Kalipunan ng Rebyu ng mga Akdang Pambata sa Pilipinas. pp. 75-88.
    Mula pa lamang sa pagkabata ng babae’t lalaki, naitakda na ng lipunan ang kanilang mga gampanin, ang mga dapat nilang gawin, at ang mga dapat nilang iwasan. Kadalasang binibigyan ang mga batang lalaki ng bola, bisikleta, laruang sasakyan, baril-barilan, taotauhang sundalo, at iba pang mga bagay na humuhulma sa kanila upang maging maliksi at aktibo. Samantala, ang pangkaraniwan namang binibili para sa mga batang babae ay mga manyika, doll house, at mga laruang pangbahay-bahayan tulad ng laruang crib, washing machine, duyan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  21. Ang mga Diskurso ng Araling Pilipino na Umiiral sa mga Artikulo ng Malay Journal (The Discourses of Philippine Studies in the Articles of Malay Journal).Leslie Anne L. Liwanag, May L. Mojica & F. P. A. Demeterio Iii - 2019 - Mabini Review 8:1-38.
    This paper is founded on the assumption that Philippine Studies has five different discouses: 1) Philippine studies as a neutral discourse; 2) colonial Philippine studies as a discourse that is based on western power and reinforces such power; 3) generic postcolonial Philippine studies as a discourse that critiques western hegemony; 4) Pilipinolohiya as a specific postcolonial discourse that was inaugurated by Prospero Covar; and 5) pantayong pananaw as another specific postcolonial discourse that was inaugurated by Zeus Salazar. Malay Journal, on (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  23. Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Mabini Review 10 (1):85-101.
    Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapatriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  24. Mga Pananaw sa Kosmos at Realidad: ang pilosopiyang ay bawat isa.Roberto Thomas Arruda - 2024 - São Paulo: Terra à Vista.
    Ang Diyos ay hindi naglalaro ng dado", inulit ni Einstein mula sa taas ng kanyang determinismo, ngunit sa katunayan ang kosmos ay naghahagis ng mga buto nito nang sadyang mapagpasya: ang mga dado nito ay laruin. Hindi sa pag-iisip na tayo ay lumikha ng mga mundo. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mundo natututo tayong mag-isip. Ang Cosmovision ay isang termino na dapat ay nangangahulugang isang hanay ng mga pundasyon kung saan lumalabas ang isang sistematikong pag-unawa sa Uniberso, ang mga bahagi (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  25. APENDISE II; Pagtatampok sa akademikong rebyu ng mga aklat ng saliksik e-journal: Mga daloy at tunguhin sa talastasang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan Inc..
    Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri, at pag-apuhap ng mga kaalaman mula sa binasang mga (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  26. Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric. [REVIEW]Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4:83-89.
    Sa pag-aaral ukol sa kasaysayang intelektuwal ng mga nasyunalistang diskurso sa akademya, kadalasang nagsisimula ang mga mananaliksik sa Dekada 70s, partikular sa tinaguriang mga kilusang pagsasakatutubo sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa mga publikasyon ang ugat ng mga nasyunalistang diskursong ito sa mga taon bago ang Dekada 1970s. Sa bagong akda ni Charlie Samuya Veric na Children of the Postcolony (COTP), tinangka niyang punan ang patlang na ito sa kasaysayang intelektuwal ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  27. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing pagsulat, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  28. BAGANI, 1892-1896: Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown.Michael Charleston “Xiao” B. Chua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):166-181.
    Ang papel ay paglalagom ng itinuturing na pinakamahalagang yugto ng buhay ni José Rizal—ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan, sa lente ng konseptong “bagani” ng ating mga ninuno. Sa pagbanggit sa lang nauna nang pag-aaral ukol kay Rizal, ipapakitang kung papaanong ang yugto sa Dapitan ay ang katuparan ng kanyang mga layunin sa La Liga Filipina, na kanyang isinabuhay kasama ang bayan. Sa lente ng kasalukuyang pandemyang COVID 19, makikita natin na tila naranasan din ni Rizal sa kanyang pagkakatapon ang ilang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  29. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  30.  46
    Si Jaime Bulatao at ang kanyang natatanging Pamimilosopiya.Angoluan Mary Sarah - 2024 - Lakandayang Journal of Cultural Studies 1 (1):41-52.
    Jaime Bulatao is a Filipino scholar renowned in the field of psychology and recognized as one of the pioneers of Filipino Psychology (Sikolohiyang Pilipino). Beyond his contributions to academia, his ideas are significant for emphasizing the connection between psychology and philosophy rooted in Filipino culture. To explore Bulatao’s profound thought, this paper will utilize the twelve discourses of Filipino Philosophy proposed by Demeterio as an analytical framework. These discourses will serve as a guide in analyzing selected works of Bulatao to (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  31. Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
    Ang mga kwentong Jollibee na dinalumat ng mananaliksik ay binubuo ng tatlumpot-siyam (39) na mga kwentong hango sa totoong buhay. Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang mga konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee sa paraang panghihikayat sa madla gamit ang advertising. Layunin nito na mailahad ang kaugnayan ng konseptong AIDA sa mga kwentong binibigyang tampok ng Jollibee sa iba’t ibang selebrasyon mula sa taong 2016-2022. Kaya naman gumamit ng metodong pagsusuri ng dokumento (document analysis), at thematic analysis ang mananaliksik. Ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  32. Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao.Noel Pariñas - 2024 - Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy 1 (Special Issue):163-179.
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  33. Pagsusuring Moral sa mga Pilíng Tagpo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.Clarissa Mae Paranas, Nixon Paul J. Sumaoang & Niña Jesusa G. Reyes - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):193-215.
    Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español. Ikinubli ni Rizal ang mga di-makatáong pagtrato ng mga Español sa mga itinuring na Indio sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga karakter sa kaniyang dalawang akda. Mula sa Teorya ng Moral na Pag-unlad (Theory of Moral Development) ng isang Amerikanong Sikolohistang si Lawrence Kohlberg ay sinuri ng papel na ito ang 10 (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  34. Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal.Fame Pascua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University Center for Philippine Studies 1 (1):116-126.
    Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan at pagsulong kanilang laban para sa kalayaan. At sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan, si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang ito ay sinikap ding mabigyang resiprokasyon ng mga Pilipino. Ang pagtingin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  35. Ang Ma’i bilang Bay: Isang Muling Pagbasa at Pagtatasa.Jolan Saluria - 2024 - Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong e-Journal Sa Araling Pilipino 9 (1):126-143.
    Ang papel na ito ay komentaryo sa artikulong—Ma'I in Chinese Records—Mindoro or Bai? An Examination of a Historical Puzzle ni Go Bon Juan. Layunin ng pag-aaral na ito na lumikha ng isang mapanglagom at preliminaryong pagbasa sa Ma’i bilang isang suliraning historiograpikal. Sa muling pagbasang ito ay pagtutuunan ng pansin ang maikling pagbaybay sa historiograpiya nito na susundan naman ng interogasyon at pagbibigay kritik sa kamakailang pag-aaral dito ni Go Bon Juan at mga suliraning kinakaharap ng kaniyang interpretasyon na umiinog (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  36. Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw.Mark Joseph Santos - 2022 - Dalumat E-Journal 8 (1):68-91.
    Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  37. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  38. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  39. Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan.Mark Joseph Santos - 2018 - Saliksik E-Journal 7 (3):121-138.
    Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  40. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  41. Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1):120-161.
    Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  42. Diaspolove: Isang pagsusuring tipolohikal sa mga pelikula ni olivia m. lamasan ukol sa hanapbuhay at pag-ibig.Axle Christien Tugano - 2023 - Philippine Women's University Research Journal 10 (2):1-27.
    Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at inspirasyon ng mga kumatha at higit sa lahat, ang pananalamin (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  43. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  44. Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño.Axle Christien Tugano - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):48-90.
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Taliwas dito, itinatampok sa pag-aaral na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  45. Kasaklawan ng diskursong pangturismo sa Pilipinas: Isang pundamental na pagsusuri sa paglalakbay.Axle Christien Tugano - 2023 - Philippine Women's University Research Journal 10 (2):28-70.
    Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maipasok sa talastasang F/Pilipino ang usapin ng turismo at paglalakbay na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  46. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  47. SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009).Axle Christien Tugano - 2022 - DIWA E-Journal 8 (1):31-68.
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark