Results for 'Takao Ito'

67 found
Order:
  1. The Necessity of Mizoguchi Setting Fire to Kinkaku-ji in Yukio Mishima's "The Temple of the Golden Pavilion" from the Perspective of Feticism.Taiga Ito - manuscript
    Yukio Mishima's literary work, "Kinkaku-ji," delves into the portrayal of a young man ensnared by imaginary fetishism. Mizoguchi's arson act is profoundly influenced by this deification. The protagonist, Mizoguchi, struggles with the dichotomy between excessive aesthetic idolatry rooted in the imagined Kinkaku-ji and the flawed existence of the real Kinkaku-ji. This essay explores how his internal conflict, shaped by fetishism, weaves complex factors, including deification and alienation, ultimately culminating in his resolve to set Kinkaku-ji ablaze. In summary, this thesis concludes (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  2. Sentence processing strategies in adult bilinguals.Kerry Kilborn & Takehiko Ito - 1989 - In Brian MacWhinney & Elizabeth Bates (eds.), The Crosslinguistic study of sentence processing. New York: Cambridge University Press. pp. 257--291.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   35 citations  
  3. Kuwentong Buhay ng mga Kristiyano sa Panahon ng Batas Militar.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (Special Issue: Perspectives on M):96-105.
    Ang sanaysay na ito ay isang deskriptibong pagbasa sa To Be in History: Dark Days of Authoritarianism na pinatnugutan ni Melba Padilla Maggay, sa lente ng “kuwentong buhay,” partikular na ang bersyon nito na dinalumat ni Clemen Aquino, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sosyolohiyang Pilipino. Sisiyasatin ang saysay ng mga kuwentong buhay na nilalaman ng akda sa konteksto ng mga kontemporaryong reyalidad ng lipunang Pilipino, tulad ng rehimeng Duterte, pagsuporta ng mga Kristiyano sa mga represibong administrasyon, at pambabaluktot ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  4. Estado ng Edukasyong Pansining BIswal sa mga Piling Pamantasan sa PIlipinas.Joseph Reylan Viray, Jun Badie, Crislie Unabia & Lailanie Gutierrez - manuscript
    Ang kolektibong sanaysay na ito ay nagtatasa sa kalagayan at estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas. Sakop ng papel ang mga sumusunod na paaralan: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle-Lipa, Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology, at Notre Dame of Marbel University. Dalawang tanong ang tinangkang sagutin ng papel: Una, ano ang estado ng edukasyong pansining biswal sa mga piling pamantasan sa Pilipinas? Pangalawa, ano-ano ang mga posibleng solusyon sa mga suliranin na nakahahadlang sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  5. Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares.Mark Joseph Santos - 2021 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (4):199-216.
    Ang panunuring-aklat na ito ay interogasyon sa isang partikular na aspekto ng historiograpiya ni Resil Mojares. Sa pamamagitan ng pagbasa sa kanyang Interrogations in Philippine Cultural History bilang isang ehemplong tekstong historiograpikal, inilalatag ng panunuring-aklat na ito ang suhestiyon na mula sa punto-de-bista ng Pantayong Pananaw ay maituturing na malapit ang pagkakahawig ng historiograpiya ni Mojares sa balangkas pangkaisipan ng historiograpiyang Third Way. Binibigyang-tuon dito ang manaka-nakang puna ni Mojares sa tinatawag niyang “ethnonationalism”, na ang isa sa pinakamaunlad na anyo (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  6. Sarili, Kapwa, Iba: Ang Trikotomiya ni Zeus Salazar sa Pagpopook ng Kakanyahang Pilipino sa Kabihasnang Pan-Malayo at Austronesyano.Mark Joseph Santos - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):1-30.
    Ang sanaysay na ito ay isang pagsisiyasat sa rehiyunalistang batayan ng nasyonalistang historiograpiya ni Zeus Salazar. Isinagawa ito sa pamamagitan ng eksposisyon sa kanyang trikotomiya ng sarili, kapwa at iba. Ang mahabang panahon ng kolonyalismo ay nagdulot ng pagkakagapos ng kakanyahang Pilipino sa Kanluran. Nagkaroon ito ng samu’t saring implikasyon sa historiograpiyang Pilipino tulad ng pananaig ng tatluhang paghahati ng kasaysayan (prekolonyal-kolonyal-postkolonyal), labis-labis na pagtuon sa panahong kolonyal, at pagdakila sa mga banyagang impluwensya. Binaybay ang walong piling akda ni Salazar (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  7. Pag-Ukad at Paglilirip: Masusing Pag-Aaral sa Ibat-Ibang Form ng Nawn Preys sa Isla ng Biri.Gina Bernaldez Araojo, Angelica Bruzola-Harris & Cynic Jazmin Tenedero - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):196-212.
    Ito ay pag-aaral sa ibat-ibang form ng nawn preys sa isla ng Biri, Northern Samar. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray. Inilimita lamang ang pagsusuring ito sa mga fityur at istraktyur ng nawn at mga konstityuwent na bumubuo sa nawn preys sa Biri-Waray. Ang analisis sa pag-aaral na ito ay ibinatay lamang mula sa nakalap na datos mula sa siyam na informant na nagmula sa walong (8) (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  8. Ang Ma’i bilang Bay: Isang Muling Pagbasa at Pagtatasa.Jolan Saluria - 2024 - Dalumat: Multikultural at Multidisiplinaryong e-Journal Sa Araling Pilipino 9 (1):126-143.
    Ang papel na ito ay komentaryo sa artikulong—Ma'I in Chinese Records—Mindoro or Bai? An Examination of a Historical Puzzle ni Go Bon Juan. Layunin ng pag-aaral na ito na lumikha ng isang mapanglagom at preliminaryong pagbasa sa Ma’i bilang isang suliraning historiograpikal. Sa muling pagbasang ito ay pagtutuunan ng pansin ang maikling pagbaybay sa historiograpiya nito na susundan naman ng interogasyon at pagbibigay kritik sa kamakailang pag-aaral dito ni Go Bon Juan at mga suliraning kinakaharap ng kaniyang interpretasyon na umiinog (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  9. Ang Espasyo sa Pag-iral ng Tao.Noel Pariñas - 2024 - Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy 1 (Special Issue):163-179.
    Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw. Ang konsepto ng espasyo sa Pilipinong pananaw ay nagsisilbing dahilan para masabi nating tayo ay nagmamahal sa karunungang nagmula at pinagyaman ng kamalayang Pilipino. Ang konsepto ng espasyo rin ang nagpapatibay sa katwiran na naglalantad sa pangangailangan nang agarang pananaliksik ng karunungang nakaligtaan sa kanluran. Kung ang mga Hapon ay matagumpay na pinagmunihan ang 'espasyo' gamit ang mga konseptong basho, aidagara, at zettai mu tungo sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  10.  12
    Kasanayan sa Ortograpiyang Filipino, Katatasan, at Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral ng Sablayan National Comprehensive High School.Mary Gold Salgado - 2024 - Education Digest 19 (2):82-90.
    Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang antas ng kasanayan sa Ortografiyang Filipino, katatasan, at kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ika-7 Baitang ng Sablayan National Comprehensive High School, Occidental Mindoro. Gumamit ng descriptive correlational method ang pag-aaral upang masuri ang kaugnayan ng kasanayan sa ortograpiya, katatasan sa pagbasa, at pag-unawa. Sa kabuuang 494 mag-aaral, 217 ang napili gamit ang stratified random sampling. Ang mga datos ay nakalap gamit ang mga talatanungan at standardized reading tools tulad (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  11. Ang Bayan ng Tagagiik: Isang Kasaysayang Pampook.Jolan Saluria - 2024 - Cainta: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Primaryang naisakatuparan sa akdang ito ang gawain ng "pagpapahaba sa panahon" sa pamamagitan ng pananangkapan sa iba pang mga mapagkukuhanang datos na lampas sa mga batis na tradisyunal. Malaking tulong ang naging utilisasyon ng may-akda sa mga disiplina ng arkeyolohiya, anthropolohiya, linggwistika, at iba pa na kahima't hindi bahagi ng pormal na pagsasanay ay nakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim sa pag-aaral. Ito ay upang mailayo ang pagsasakasaysayan ng Taguig sa mapaglimitang hangganan na tinatakda ng historisismo-positibistikong nosyon ng pagsasakasaysayan. At sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  12. Babae at Lalaki: Usaping Kasari-sarian sa Pangingisda (A Research in Social Anthropology Focused on Gender Roles in Fishing).Joanna Frances Isabelle Sajor - 2019 - University of the Philippines Diliman.
    Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa munisipyo ng Mahatao na matatagpuan sa Isla ng Batan, probinsya ng Batanes. Karatig bayan nito ang Basco (kabisera ng probinsya) sa gawing timog. Binubuo ito ng apat na maliliit na barangay: Kaumbakan, Hañib, Panatayan, at Uvoy. Ang pangingisda ay isa lamang sa mga gawaing pangkabuhayan ng karamihan ng mamamayan na nakatira sa Mahatao gayundin ang kalahatan ng Batanes dahil sa malaki ang sakop ng anyong tubig na nakapalibot dito dagat na tanging makukuha sa (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  13. Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
    Ang layunin ng artikulong ito ay tuklasin ang konsepto ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Tatalakayin ditto ang kahulugan ng mga paniniwala at saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kapalaran at kayamanan, lalo na sa konteksto ng pagtaya sa lottery. Tinalakay din sa artikulo ang kahalagahan ng sikolohiyang Pilipino sa pagsusuri ng pag-asa ng mga Pilipino sa suwerte at lottery. Layunin ng artikulong ito na: (1) Malaman ang epekto ng paniniwala sa suwerte at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  14. (1 other version)Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar.Mark Joseph Santos & Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc..
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. -/- Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pagpapakatitikan higit sa lahat ay isa nang signature (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  15. Ang Pagtatagpo ng Noli Me Tangere at Telebisyon: Batayan sa Mungkahing Gabay ng Guro (Teacher’s Guide).Jell Vicor P. Opeña - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (3):140-160.
    Layunin ng pananaliksik na ito na makabuo ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide) bilang kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Gamit ang deskriptibong pananaliksik, natuklasan na 81% ng mga guro ang nagsabing makatutulong ang paglikha ng Gabay sa Pagtuturo (Teacher’s Guide). Ayon naman sa 95% ng mga mag-aaral, nararapat isama ang mga gawaing kaugnay ng panonood upang mas maging interaktibo at epektibo ang pagkatuto ng nabanggit panitikan. Batay sa mga inilahad na kinalabasan, nabatid ng mananaliksik na malaking bahagdan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  16. ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
    Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng isang komprehensibong istruktura ng gramatika na nakatuon sa katangian ng Nawn Preys (NP). Ito ang kauna-unahang pag-aaral na nakapokus sa katangian ng NP ng isang varayti ng wikang Waray na wala pang anumang naisagawang pag-aaral. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray at sa gabay ng tagapayo. Ang mga kinapanayam ay mga nasa edad 47- 67 at mga taal na mananalita (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  17. Pilosopiyang Pilipino sa Panahon ng Rehimeng Duterte.Beljun Enaya & F. P. A. Demeterio Iii - 2022 - Phavisminda Journal 21 (2022):118-154.
    Ang papel na ito ay isang kritikal na ulat tungkol sa pilosopiyang Pilipino sa panahon ng rehimeng Duterte. Sa pamamagitan ng Google Scholar tinukoy nito ang limang nangungunang Pilipinong pilosopo na sumuri sa nasabing rehimen: sina Christopher Ryan Maboloc, Regletto Aldrich Imbong, Tracy Llanera, Carlito Gaspar at Jude Raymun Festin. Kinilala nito ang nasabing limang pilosopo, at hinimay ang kani-kanilang pangkalahatang paninindigan kaugnay sa nasabing rehimen, isyung tinutukan, pilosopong kabalitaktakan, at pilosopong tinutungtungan. Sinuri din ng papel na ito ang ideolohiyang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  18. KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO, KLIMANG PANGKLASRUM AT PERFROMANS SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADO 11.Nera Grace A. Macario & Denro B. Macario - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at performans sa Filipino ng mga mag-aaral sa grado labing-isa (11) ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy. Ito rin ay naglayong matukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kapaligirang pampagkatuto at klimang pangklasrum at kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa performans sa Filipino. Ang mga kinakailangang datos ay tinipon sa pamamagitan ng pagbigay ng talatanungan sa kapaligirang pampagkatuto, klimang pangklasrum at pagsusulit sa performans sa Filipino. Isandaan na nagmula (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  19. Ang Attack on Titan ni Hajime Isayama Batay sa Iba't Ibang Pilosopikal na Pananaw.Mark Joseph Santos - 2022 - Dalumat E-Journal 8 (1):68-91.
    Dalawa sa mga hibla ng Pilosopiyang Filipino ay patungkol sa paggamit ng banyagang pilosopiya at pamimilosopiya sa wikang Filipino. Makatutulong ang dalawang ito tungo sa pagsasalin ng mga banyagang kaisipan sa talastasang bayan. Ang dalawang hiblang ito ang nais na ambagan ng kasalukuyang sanaysay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebyu sa isang halimbawa ng anime/manga na Hapon: ang Attack on Titan (AOT) ni Hajime Isayama. Gagamitin sa pagbasa ng AOT ang mga pilosopikal na pananaw ng ilang Aleman/Austrianong pilosoper/sikolohista na sina (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  20. Tungo sa Isang Pilosopiya ng Ginhawa.Roland Macawili - 2023 - Talas: Interdisiplinaryong Journal Sa Edukasyong Pangkultura 7:88-112.
    Ang papel na ito ay isang pagtatangka ng paghahawan ng landas tungo sa potensyal ngginhawa bilang isang konseptong kultural-pilosopikal. Gagawin ang paghahawan mula sapagtititistis ng ilang datos mula sa kasaysayan, kultura at maging sa wikang Filipino. Nahahatiang papel sa dalawang bahagi: una, ang talakay sa lagay ng Pilosopiyang Pilipino; pangalawaang pagbubulaybulay tungkol sa ginhawa bilang konsepto, sa aspektong historikal, politiko-ekonomiko, at linggwistiko.
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  21. Ang 1872 sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagsusuring Historiograpikal sa Ilang Pilipinong Historyador.Mark Joseph Santos - 2022 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5 (1):74-88.
    Bilang pagpapahalaga sa GOMBURZA, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kanilang kamatayan, ang pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang preliminaryong pagbaybay sa samu't saring pagpapakahulugan at pagbibigay-saysay na ikinakabit sa 1872 sa historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, siniyasat ng sanaysay ang kapookan ng 1872 sa balangkas historiograpikal ng ilang prominenteng historyador tulad nina Teodoro Agoncillo, Zeus Salazar, Renato Constantino, Reynaldo Ileto, John Schumacher, Horacio de la Costa, at iba pa. Liban dito, tiningnan din ang pagpapakahulugan sa 1872 ng iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  22. Becik, Batik, Betik: Pagpapatúloy ng mga Simbolismo ng Lahing Austronesyo sa Pagbabatik/ Pagtatatu sa Pilipinas at Malaysia.Arvin Lloyd Pingul, Freddielyn Pontemayor & Rhoderick Nuncio - 2019 - Hasaan Journal 5 (1):39-62.
    Mula sa iisang lahi ang Pilipinas at Malaysia sang-ayon sa pag-aaral na may kinalaman sa paksaing Austronesyo. May mahabang kasaysayan ng ugnayan ang dalawang bansang ito, di lámang sa ekonomikong aspekto, kundi lalo’t higit sa kultural na batayan, at isa na rito ang paggamit ng mga simbolo sa pagbabatik/pagtatatu na nakaugat pa sa relihiyon ng pag-aanito sa mundong Austronesyo. Bagamat naging parehong kolonya ang dalawang bansa ng mga Kanluranin na nagpalawak di lámang ng kapangyarihan kundi maging ng merkado, hindi tuluyang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  23. Ang Paglago ng Pantayong Pananaw sa Konteksto ng Kapantasan ni Zeus A. Salazar: Isang Maikling Pagsasakasaysayan, 1951-2019.Mark Joseph Santos - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (2):46-92.
    Bilang “kathang-buhay” ni Zeus A. Salazar, ang tinaguriang Ama ng Pantayong Pananaw (PP) at ng Bagong Historiograpiyang Pilipino, hindi mauunawaan ang PP nang hiwalay sa kanyang akademikong talambuhay. Kaya naman mainam na baybayin angkasaysayan ng Pantayong Pananaw sa konteksto ng kapantasanni Salazar. Maaaring hatiin ang kasaysayan ng PP sa konteksto ng kapantasan ni Salazar sa limang yugto, gamit ang metapora ng paglago ng halaman: 1. Panahon ng Pagpupunla ng mga ideyang magiging batayang kaisipan ng PP sa hinaharap, mula sapagpasok ni (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  24. KAPOOKAN NG PAGLALAKBAY NG MGA PILIPINO SA IBAYONG DAGAT SA KONTEKSTO NG BANWA AT LAYAG SA WIKANG FILIPINO.Axle Christien Tugano - 2023 - In Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat. Ermita, Manila: Limbagang Pangkasaysayan. pp. 1-81.
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  25. Kulturang Materyal bilang Batis at Larangan ng Kasaysayan.Mark Joseph Santos - 2018 - Saliksik E-Journal 7 (3):121-138.
    Namulat sa makipot na kasanayang disiplinal ng metodolohiyang pangkasaysayan na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo, hindi pa katagalan mula nang mag umpisang mabatid ng mga historyador ang kahalagahan ng kulturang materyal sa kanyang larangan. Higit pa sa pagpapahalaga sa kulturang materyal bilang batis ng kasaysayan, paksa ng sinusuring aklat ang pagsasakasaysayan ng kulturang materyal bilang isang bagong larangan. Tinipon ng mga historyador na patnugot na sina Anne Gerritsen at Giorgio Riello sa Writing Material Culture History ang kontribusyon (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  26. Breast Kanser, Seksuwalidad, at Pagbalikwas.Mark Anthony Dacela & Rachel Joy Martinez Rodriquez - 2015 - Malay 27 (2):118-132.
    Iniaalok ng pag-aaral na ito ang isang panunuring Foucauldian sa pangkasariang karanasan ng babaeng may breast cancer (BRCA). Inihahain din ng mga may-akda ang mga sumusunod na tanong: Paano naaapi ang babaeng may BRCA? Paano hinahamon ng kanyang karanasan ang konsepto ng seksuwalidad? Maaari bang ituring ang kanyang karanasan bilang anyo ng pagbalikwas? Tutugunan ng mga may-akda ang naturang mga tanong gamit ang kapangyarihan-diskurso-seksuwalidad ni Foucault habang ipinapalagay na: (1) matagumpay na naipapakita ng talaangkanan ng seksuwalidad ni Foucault kung paanong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  27. Wala ed Pusok so Pangasinan, Adadtoy Pusok iti Pangasinan, Pangasinan is in the Heart: Si Carlos S. Bulosan (1913-1956) sa Konteksto ng Kasaysayang Pangasinense.Axle Christien Tugano - 2024 - Lakandayang Journal of Cultural Studies 1 (1):68-91.
    Kilala si Carlos Bulosan (1913-1956), higit sa lahat ang kaniyang isinulat na semi-autobiograpiya na America is in the Heart (1946), kung saan kaniyang ipinamalas ang karanasan bilang isang lider-manggagawa sa Estados Unidos sa kontekstong sosyo-politikal at proletaryadong internasyonal sa panahon ng Pandaigdigang Depresiyon (1929-1939). Gayundin ang kaniyang kinaharap na diskriminasyon at rasismo sa dayuhang bansa. Gayumpaman, sa kaliwa’t kanang pag-aaral ukol sa kaniyang buhay at kaisipan, na pawang itinuon at pinagkaabalahan ng mga nahihirati sa Marxismo, Sosyalismo, panitikan, at iba pang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  28. Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese.Axle Christien Tugano & Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano - 2022 - Kawing Journal 6 (1):53-88.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  29. Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino.Axle Christien Tugano - 2017 - Saliksik E-Journal 6 (2):97-154.
    Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  30. Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino.Axle Christien J. Tugano - 2020 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2):119-135.
    Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa ganitong (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   4 citations  
  31. Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal Sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino.Vicente C. Villan - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):41-73.
    Hugot mula sa ideang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.`Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging koloyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  32. Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europa.Axle Christien Tugano - 2022 - Entrada Journal 8 (1):93-143.
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  33. Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
    Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  34. Formalistikong paglalandas sa ginto't pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco tungo sa pagpapahalaga sa kinestetika at palakasan ng kababaihang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Mabini Review 10 (1):85-101.
    Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapatriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  35. Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1):120-161.
    Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado ang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  36. Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa.Axle Christien Tugano - 2018 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2):57-75.
    Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  37. Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas.Axle Christien Tugano - 2019 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1):66-83.
    Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  38. Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl.Jericho B. Dela Cruz & Oliver Manarang - 2020 - Mabini Review 9:33-79.
    Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  39. Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang Mariqueño.Axle Christien Tugano - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):48-90.
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyan. Taliwas dito, itinatampok sa pag-aaral na (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  40. Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo.Mark Joseph Santos - 2023 - Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100.
    Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  41. BAGANI, 1892-1896: Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown.Michael Charleston “Xiao” B. Chua - 2022 - Kaningningan: An Interdisciplinary and Multidisciplinary Journal of New Era University for Philippine Studies 1 (1):166-181.
    Ang papel ay paglalagom ng itinuturing na pinakamahalagang yugto ng buhay ni José Rizal—ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan, sa lente ng konseptong “bagani” ng ating mga ninuno. Sa pagbanggit sa lang nauna nang pag-aaral ukol kay Rizal, ipapakitang kung papaanong ang yugto sa Dapitan ay ang katuparan ng kanyang mga layunin sa La Liga Filipina, na kanyang isinabuhay kasama ang bayan. Sa lente ng kasalukuyang pandemyang COVID 19, makikita natin na tila naranasan din ni Rizal sa kanyang pagkakatapon ang ilang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  42. Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. Salazar.Axle Christien Tugano - 2019 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan, Inc..
    Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutulungang makaalpas (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   2 citations  
  43. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
    Taong 2019 nang magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas, kaya samu’t saring mga impormasyon ang ipinakalat sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na matataas ang bilang ng nag positibo, gaya na lamang sa Lungsod ng Quezon. Hinggil rito, ang saliksik na ito na naglalayong malaman at maitala ang Gampanin ng Wikang Filipino sa pag papalaganap ng impormasyon patungkol sa COVID-19. Upang matugunan ang mga hinihingi sa pananaliksik, ito ay gagwin sa deskriptibong paraan, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  44. Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong Manunulat sa Australia.Jose Wendell Capili - 2021 - Katipunan Journal 8 (1):125-143.
    Dalawang antolohiya at isang kasaysayang pampanitikan ang naging bunga ng aking pananaliksik tungkol sa mga naratibo ng migrasyon ng mga Filipinong manunulat sa Australia. Ito ang: From the Editors: Migrant Communities and Emerging Australian Literature (2007), Salu-Salo: In Conversation with Filipinos (2008), at Migrations and Mediations: The Emergence of Southeast Asian Writers in Australia, 1972-2007 (2016). Ilan sa mga diasporikong manunulat mula sa Pilipinas ay lumitaw sa Australia mula 1972 hanggang 2007 sa tulong ng mga guro, programa sa malikhaing pagsulat, (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  45. Pagsusuring Moral sa mga Pilíng Tagpo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.Clarissa Mae Paranas, Nixon Paul J. Sumaoang & Niña Jesusa G. Reyes - 2020 - Hasaan Journal 6 (1):193-215.
    Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español. Ikinubli ni Rizal ang mga di-makatáong pagtrato ng mga Español sa mga itinuring na Indio sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga karakter sa kaniyang dalawang akda. Mula sa Teorya ng Moral na Pag-unlad (Theory of Moral Development) ng isang Amerikanong Sikolohistang si Lawrence Kohlberg ay sinuri ng papel na ito ang 10 (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  46. Mga Salik sa Pagkabigo ng Protestantismo na Lumaganap sa Pilipinas noong Panahon ng Kolonyalismong Amerikano.Mark Joseph Santos - 2023 - Yaman Digital History.
    Nang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas, dumating sa bansa ang isa pang uri ng Kristiyanismo na iba sa bitbit ng mga Espanyol-ang Protestantismo (na nagsimulang isilang noong ika-16 na dantaon sa Europa sa pamumuno nina Luther, Calvin, at Zwingli). Salaysay ni T. Valentino Sitoy (1989, iii, 7-11), 1899 unang dumating ang mga misyonerong Protestante sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga Presbyterian, Baptist, at Methodist. Kalaunan ay sinundan ito ng pagdating ng mga Episcopalian, Seventh-Day Adventist, United Brethren, Disciples, Christian and (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  47. APENDISE II; Pagtatampok sa akademikong rebyu ng mga aklat ng saliksik e-journal: Mga daloy at tunguhin sa talastasang pilipino.Axle Christien Tugano - 2021 - Quezon City, Metro Manila, Philippines: Bagong Kasaysayan Inc..
    Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri, at pag-apuhap ng mga kaalaman mula sa binasang mga (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  48. Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino.Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos - 2022 - Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2):30-49.
    Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
  49. Mga Pangako ng Puso, Mga Sakripisyo ng Kamay: Imahen ng Estados Unidos Bilang Kanlungang Pilipino Batay sa mga Piling Pelikula ni Olivia Lamasan.Axle Christien Tugano - 2023 - Hasaan Journal 7 (1):41-73.
    Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasanayang pagtrato sa mga romantic movie ng mga Pilipino sa payak (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark   1 citation  
  50. Strong Large Deviations Principles of Non-Freidlin-Wentzell Type.Jaykov Foukzon - 2014 - Communications in Applied Sciences 2 (2):230-363.
    The paper presents, a new large deviations principles (SLDP) of non-Freidlin-Wentzell type, corresponding to the solutions Colombeau-Ito’s SDE. Using SLDP we present a new approach to construct the Bellman function ????(????, ????) and optimal control ????(????, ????) directly by way of using strong large deviations principle for the solutions Colombeau-Ito’s SDE. As important application such SLDP, the generic imperfect dynamic models of air-to-surface missiles are given in addition to the related simple guidance law. A four, examples have been illustrated proposed (...)
    Download  
     
    Export citation  
     
    Bookmark  
1 — 50 / 67